Trump, hindi napigilan ang pagkaway kay Pres. Duterte habang nasa Apec meeting - News Spy


Trump, hindi napigilan ang pagkaway kay Pres. Duterte habang nasa Apec meeting



President Rodrigo Duterte and US President Donald Trump, photo from Manila Bulletin News
Mukhang nabighani si Pangulong Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte nang makilala nila ang isa't isa sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Da Nang, Vietnam.

Ayon sa Special Assistant ni Pangulong Duterte na si Christopher "Bong" Go, patuloy umanong pinagmamasdan ni Trump si Duterte sa isa sa mga pulong ng APEC Summit.



Nagawa pa ni Go na makunan ng isang larawan si Trump na nagbigay ng isang shout out kay Duterte.
President Trump waving President Duterte at APEC meeting, photo courtesy of Special Assistant Bong Go

“Kinawayan ako ni Trump [noong] una then sabi ko kay boss nakatingin sa atin,” sinabi ni Go sa mga reporters nitong Sabado (November 11).



Nang mahuli ni Trump ang pansin ni Duterte, sinabi ni Go na ang dalawang lider ay nagpalitan ng mga magagandang salita.

Sa sidelines ng APEC Summit, nagkaroon din ng maikling pulong si Trump at Duterte na inilarawan ng Malacañang bilang " warm and cordial."

Dagdag pa ni Go, sinabi ni Trump kay Duterte na makikita sila sa Linggo (Nobyembre 12) kapag bumyahe na ito sa Pilipinas para sa ASEAN Summit.

Source: politics.com.ph