


![]() |
Opposition Senator Antonio Trillanes IV | Loida Nicolas-Lewis | CTTO |
Binanatan ng isang beteranong kolumnista ang oposisyong Senador Antonio Trillanes IV at ang mga kasamang nitong mga ‘dilawan’ na nangunguna sa paninira at panlalason hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa kanilang pakikipag pulong sa mga ibat ibang sektor at organisasyon sa ibang bansa upang ibagsak at patalsikin si Pangulong Duterte.
“Sa tingin natin ay napakatraydor sa bayan ni Senador Antonio Trillanes IV at ang pipitsuging abogado niyang si Jude Sabio, ang napakalaking sinungaling na si Edgar Matobato at ang mga nakatagong dilawan na nagpopondo sa mga ito.”
“Sa tingin natin ay napakatraydor sa bayan ni Senador Antonio Trillanes IV at ang pipitsuging abogado niyang si Jude Sabio, ang napakalaking sinungaling na si Edgar Matobato at ang mga nakatagong dilawan na nagpopondo sa mga ito.”
Rigoberto Tiglao isang kilalang journalist at dating diplomat sa panahon ni dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo. Sa isang kanyang isang column sa Bulgar muli niyang binanatan ang mga kritiko ng pangulo na mga ‘traydor’ sa bayan.
![]() |
Rigoberto Tiglao | CTTO |
At dahil sa walang naniniwala sa bulok nilang istilo nagsampa si Trillanes kasama ang kanyang ‘pipitsuging’ abogado si Jude Sabio ng kaso sa International Criminal Court (ICC) laban sa Pangulo sa pagpapapatay daw sa libu-libong walang sala at walang kalaban-laban sa pagsulong nito sa digmaan upang sugpuin ang iligal na droga na sinasabing kasalanan daw ito sa sangkatauhan.
Nauna ng ibinulgar ni Pangulong Duterte na ang mga ito ay napondohan ng mga dilawan, isa na nga dito ang bilyunaryong amerikanong si Loida Nicolas-Lewis ang nasa likod ng pagsampa ng kaso nila Trillanes sa ICC, na mariin namang itinanggi ang paratang ng pagdawit sa kanya ng Pangulo.
![]() |
Atty. Jude Sabio | CTTO |
![]() |
Magdalo party-mates Rep. Gary Alejano and Sen. Antonio Trillanes IV | CTTO |
“Pero hindi lang si P-Duterte ang napasasama kundi tayo mismong mga Pilipino dahil ibinoto natin siya bilang pangulo at karamihan ng mga Pilipino ay sinusuportahan siya kaya bale ang ginawa ni Trillanes na pagparatang ay parang ibig sabihin daw na sumusuporta tayo sa mamamatay-tao.”
“Kaya ang ginawa ni Trillanes at ng mga dilawan ay pasamain ang imahe ng Pilipinas sa buong mundo.
“Hindi ba, pagtatraydor sa bayan ‘yan?”
Basahin ang kanyang buong pahayag:
Pagsira ni Trillanes at ng mga dilawan kay P-Duterte, pagwasak din sa mga Pilipino
2018-03-21
BOBI TIGLAO / Banat
SA tingin natin ay napakatraydor sa bayan ni Senador Antonio Trillanes IV at ang pipitsuging abogado niyang si Jude Sabio, ang napakalaking sinungaling na si Edgar Matobato at ang mga nakatagong dilawan na nagpopondo sa mga ito.
Bakit natin sila pinararatangan? Kayo na ang manghusga.
Ang nagamit ni Trillanes at ng mga dilawan ay si Edgar Matobato na dating pulis sa Davao. Nang hindi niya mapaniwala ang Senado at ang taumbayan noong nakaraang taon sa mga paratang niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na daan-daan daw ang pinatay nito sa Davao noong mayor pa ito at libu-libo naman daw nang maging presidente na kaya nagsampa ng kaso sa tinatawag na International Criminal Court (ICC) na nakabase sa The Netherlands.
Si Jude Sabio ang abogado niya at ang tumulong ay si Trillanes na malamang ay napondohan ng mga dilawan. Nasabi natin ‘yan dahil hindi naman gagastos si Trillanes para kumonsulta sa mga banyagang abogado at para gumastos para pumunta sa The Netherlands.
Si P-Duterte ang nagbunyag na nasabihan siya na ang dilawang bilyunaryong Amerikano na si Loida Nicolas-Lewis ang isa sa mga nagtulak nang pagsasampa ng kaso sa ICC.
Ano ang isinampang kaso nina Matobato at Trillanes sa ICC?
Si P-Duterte raw ang nagpapapatay sa libu-libong walang sala at walang kalaban-laban sa kanyang digmaan laban sa iligal na droga na sinasabing kasalanan daw ito sa sangkatauhan
Ano, si P-Duterte ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na hindi mabayaran ng mga drug lord at naglunsad ng digmaan para linisin ang salot na shabu at iba pang iligal na droga sa bayan natin tapos pararatangan nilang gusto lang pumatay ng mga tao?
Tinutukan ni P-Duterte ang kapulisan natin para tumapang ito at hindi mabili ng mga drug lord. Malamang, ang mga lumaban na nagtutulak ng iligal na droga kaya walang magawa ang mga pulis kundi depensahan ang kanilang sarili.
Tapos ang mga lokong ito ay nagsumbong at pinararatangan sa ICC na mamamatay tao raw si P-Duterte?
Ang ICC sa totoo lang, isang pandaigdigang institusyon na itinayo ng mga bansa sa Europa. Hindi sumapi rito ang Amerika, Tsina, Russia at halos lahat ng mga kapitbahay natin sa rehiyon dahil nakita nilang makikialam lang ito sa mga sistemang panghustisya ng mga bansang malaya.
Ano naman ang mga tinututukang kaso ng ICC? Halos lahat ng malawakang patayan sa Aprika. Sa rehiyong ito, nanatili pa ang pagkatribu ng mga tao kaya walang pakundangang pinapatay ang libu-libong tao na hindi nila katribu. Kaya ang apat na kaso na natapos ng ICC ay tungkol lahat sa mga bansa sa Aprika.
Kaya inosente si P-Duterte dahil sa kaso ni Trillanes sa ICC na inihahalintulad siya sa mga mamamatay-tao sa Aprika na libu-libo ang mga napapatay at nagagahasa.
Pero hindi lang si P-Duterte ang napasasama kundi tayo mismong mga Pilipino dahil ibinoto natin siya bilang pangulo at karamihan ng mga Pilipino ay sinusuportahan siya kaya bale ang ginawa ni Trillanes na pagparatang ay parang ibig sabihin daw na sumusuporta tayo sa mamamatay-tao.
Kaya ang ginawa ni Trillanes at ng mga dilawan ay pasamain ang imahe ng Pilipinas sa buong mundo. Respetado natin ang mga bansa sa Aprika pero marami pa ring mga bansa rito na hindi pa talaga nagiging sibilisado ang mga taong nagkakaroon ng puwesto.
Ibang-iba naman tayo sa Aprika pero ang sinasabi ni Trillanes at ng mga dilawan ay pareho lang daw tayo sa mga bansang nabanggit.
Hindi ba, pagtatraydor sa bayan ‘yan?
****
Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.
Source: R.Tiglao Column