News Spy

Isang pulubing bata, kumakain ng karton para maibsan ang kanyang gutom

7:15 PM

 



Nadurog ang puso ng isang netizen ng masaksihan ang isang batang pulubi sa gilid ng isang convenience store.


Nang nilapitan ng netizen na si Ienstien Hortal ang bata ay nagulat ito dahil kumakain ng tila karton o kahoy ang bata.



Nang tinanong ni Ienstien ang bata kung bakit karton ang kinakain ay mangiyak-ngiyak na sumagot ang bata. "Eto na kinakain ko sa isang buong linggo."




Nakilala ang bata sa pangalang John Mark Sta aka JM, 16 taong gulang. 





Graduating na sana si JM sa Grade six pero tumigil ito sa pag-aaral dahil ipinamigay ng kanyang kuya ang mga gamit niya sa eskwelahan.


>


Narito ang buong kwento ng netizen na nakakita sa bata:


"I share ko lang po experience ko tonight.

Around 10:20-11:00 PM . Galing akong Morong Nung pauwi na ako Dumaan muna ako sa 7/11 sa Sampaloc Tanay para kumain .

Habang nakain ako Nalungkot ako nung may makita akong isang bata na kumakain din ngunit ang kanyang kinakain ay Karton/Kahon.

Naglakas loob akong lapitan sya at sabay tanong na "Bakit yan ang kinakain mo?" sumagot sya "Eto na kinakain ko sa isang buong linggo"


Nag karoon kami ngmarami pang convo.

(Matino syang Sumagot kung iyong kakausapin at marunong bumasa)

ME: Ano panagalan mo ?

jm: John Mark Sta Ana po pero tawagin nyo nlang po akong JM .

Me: ilan taon kna ?

jm:16 po

Me: nag aaral ka pa ba ?

jm: di na po. Graduating na ngapo sana ako ng grade 6 i kaya lang po pinamigay ng kuya ko ung gamit ko .

Me: Gusto mo pa ba mag aral?

Jm: Opo Gustong Gusto ko po sana

Me: dito ka ba natutulog ?

jm: hindi po . sa gilid po ng dimsum . 7:30 lang po ako lagi ng gabi napunta dito .



At marami pa akong itinanong sa kanya in short ininterview ko sya about sa buhay nya.

Pito po silang magkakapatid ang kanila pong magulang ay iniwan sila, nag hiwalay at nagkaroon daw ulit ng bagong pamilya. Nasa Montalban daw ang kanyang ina at ang Ama nya ay manila naman .

May natutunan ako sa kanya at sa Bawat nakukuha kong aral sa kanya Mas ninanais kong sya ay aking matulungan . IPANALANGIN NATIN SI JM AT KANYANG PAMILYA. pwede nyo din syang abutan ng food pag makikita nyo sya . Salamat po.


Sorry po pinicturan ko sya .


God Bless You."

Isang lola, ibinigay lahat ang mga inaning gulay sa isang community pantry

7:12 PM

 



Mabilis na umuusbong ngayon ang community pantry sa ibat-ibang sulok ng bansa. Ito ay patunay na nakakahawa ang kabaitan ng mga Pilipino.


Ang konsepto ng community pantry ay pwedeng ihalintulad sa "give and take" na kung saaan yung mga may kakayahang magdonate ay pwedeng magbigay ng kahit anong items. Yung mga nangangailangan naman ay kukuha ng mga items base sa pangangailangan.



Isang kwentong kabutihan ang ibinahagi ng isang netizen na kung saan isang matanda ang nagdonate ng isang basket ng gulay sa isang community pantry. 





Ayon sa nagpost na si Kuya Jude Acepcion, may tanim na gulay si nanay Susan Abrazaldo sa kanyang bakuran sa Villlamin at walang sabi-sabi na ibinigay ang inaning gulay sa community pantry.






Narito ang buong kwento ng netizen na nakasaksi sa kabaitan ni nanay:



Ayoko sana gusto mag post about sa Mobile Kabisig Community Pantry ng aking mha kaibigan na may mabubuting puso kase baka mabash o ma issue lang.


Pero di ko mapigilan na gawin ang post na to upang patunayan na may mga tao parin na kahit anong hirap ay gusto parin magbigay kesa makakuha.


Pakilala ko lang si Nanay Susan Abrazaldo, may tanim sya na mga gulay sa kanyang bakuran, nakita niya kami dito sa Villamin na may Community Pantry, walang sabi sabi daladala niya ang isang basket na gulay upang ipamigay din sa nangangailangan ,πŸ’™πŸ’™


Isa lang si Nanay na simbolo ng BAYANIHAN AT TULUNGAN. Sa gitna ng pandemya, sana di maging issue ang pagtulong natin sa iba. Mas maraming tumutulong mas marami ang matutulungan na nangangailangan! Saludo ako sayo, Nay! God bless you po.πŸ’™πŸ’―πŸ™

Isang lalaking nakapagtapos ng pag-aaral, minaliit dahil sa pagtitinda ng pagkain

8:50 PM
Sadyang may mga taong mapanghusga at mahilig mamaliit ng kapwa lalo na kung ang trabaho mo ay hindi pang propesyunal.

Andrew Pineda / Photo credit from his Facebook account

Hindi nila naiisip na kahit anong uri ng trabaho mayroon ang isang tao basta marangal ay dapat ipagmalaki. 

Ito ang ginawa ng isang Bachelor’s degree holder matapos siyang maliitin ng ibang tao dahil sa pagtitinda ng pagkain.

Sa kanyang Facebook post, ipinagtanggol ni Andrew Pineda ang kanyang sarili sa mga taong minamaliit siya. 

Andrew Pineda / Photo credit from his Facebook account
Andrew Pineda / Photo credit from his Facebook account

Diba Kumuha ng kursong Educ yan? Hindi pa ba siya nagtuturo? Hala, sayang dapat maghanap kana work,” yan umano ang mga naririnig ni Pineda sa ibang tao.

Aniya, walang nakakahiya sa pagtitinda lalo na kung ito ay hanap buhay ng iyong mga magulang.

Sa kasalukuyan kasi ay tumutulong si Pineda sa pagtitinda kasama ang kanyang nanay.

Opo tindero kami ng mama ko, taga-tinda ng almusal at ulam pero sa ganitong paraan napapakita ko pong edukado ako at hangga’t nabubuhay ang magulang ko patuloy ko po silang tutulungan at susuportahan.

Andrew Pineda / Photo credit from his Facebook account

Andrew Pineda / Photo credit from his Facebook account

Gusto umano ni Pineda na ma-inspire ang mga kabataan. Aniya, masama magkumpara sa sitwasyon ng iba.

Tandaan po natin na masama ang magkumpara at dapat stay humble lang tayo kahit ano pa ang marating natin sa buhay,” sabi niya.

Sa ngayon ay umabot na sa 17k reactions, 1.5k comments at 7.9k shares ang post ni Pineda.

Narito ang kanyang buong post:

“Diba Kumuha ng kursong Educ yan? Hindi pa ba siya nagtuturo? Hala, sayang dapat maghanap kana work. 

“PANDEMIC” sa tingin niyo po ba ganun kadali maghanap ng work?

Opo tindero, kami mama ko taga tinda ng almusal at ulam pero sa ganitong paraan napapakita ko pong edukado ako at hanggat nabubuhay ang magulang ko patuloy ko po silang tutulungan at susuportahan. Ang mahalaga may silbi at sense tayo sa lipunan.

I just want to try insipire others especially mga kabataan to be educated enough about sa hindi nakakahiya ang pagtitinda at lalong lalo na sa hanap buhay ng ating magulang kaya iwasan mag inarte dapat maging madiskarte lamang tayo sa panahon ng kagipitan wag tayo magcomplain kung bakit ganito? ganyan? Tandaan po natin na masama ang magkumpara at dapat stay humble lang tayo kahit ano pa ang marating natin sa buhay. 

Spread goodvibes Thank You”

***

Amang magsasaka at tricycle driver nakapagpatapos ng Pharmacist at Dentista na mga Anak

6:36 PM
Larawan kuha mula sa post ni Marga

Kelan ba naging marangal ang pagiging isang Tricycle driver lang?

Sinagot ito ng Anak ng isang magsasaka at tricycle driver na nakapagpatapos lang naman ng isang Dentista at Pharmacist dahil sa pagpupursige at patuloy na pamamasada ng Ama, na naging pangunahing kita nila ng pamilya upang makapagtapos silang magkakapatid sa pag-aaral mula elementarya hanggang sa kolehiyo.


Sa post ni Marga Santiago Suobiron, marami sa mga netizens ang humanga sa katatagan, pagsisikap at sakripisyo ng kanyang mga magulang lalo na ng kanyang Ama, dahil sa kahit pa na maliit na kita nito bilang isang driver nagawa padin nitong suportahan ang mga anak sa kanilang pag-aaral.

Larawan kuha mula sa post ni Marga

"Tulog pa kami nagtatrabaho na papa ko sa farm namin. Umaalis sya ng bahay minsan 4am, minsan 5am. Then pag uwi nya, maliligo tapos hahatid nya kami ng 6am or 7am. After nya hatid, mag mamasada sya. Kada kita nya sa pasada nilalagay nya yung titig 5 pesos coins sa ibabaw ng drawer. Iniipon nya," saad ni Marga sa kanyang post.


Narito ang kanyang buong post: 

When I was about to enter College I really wanted to be a flight attendant but my mom said: 

" accountancy nalang kunin mo gaya ko. " I didn't agree kasi hate na hate ko talaga yung math. And my dad said: " mag dentistry ka nlng. Magiging doctor ka"


I didn't agree at first kasi alam ko kung gaano ka gastos ang dentistry. From tuition, to materials, gang sa patients magastos. Sabi ng mom ko " di natin kaya mag pa aral ng dentista. " ( oo alam ko. Kasi yung papa ko magsasaka at TRICYCLE DRIVER LANG) pero sabi ng papa ko : " okay lng yan mag enroll ka. Kaya natin yan. Pagsisikapan ko yan! " and he did.


Larawan kuha mula sa post ni Marga

Tulog pa kami nagtatrabaho na papa ko sa farm namin. Umaalis sya ng bahay minsan 4am, minsan 5am. Then pag uwi nya, maliligo tapos hahatid nya kami ng 6am or 7am. After nya hatid, mag mamasada sya. 

Kada kita nya sa pasada nilalagay nya yung titig 5 pesos coins sa ibabaw ng drawer. Iniipon nya. Then pag may babayaran sa school dun sya kumukuha. Minsan hihingi ako 500, 1k, 5k, gang sa humingi ako one time ng 20k pambili ng materials ko sa school. Sabi ko papa, kailangan ko ng 20k nextweek. Pambili ng dental materials. Di sya umaangal oo lng ng oo si papa. Gang sa nakagraduate ako ng college, nagpapasada padin si papa. 



Simula nung grade 1 kami hanggang sa tunay na dentista na ako, yung tricycle nayun yung nag hahatid sundo saamin. Nang dahil sa TRICYCLE DRIVER kong tatay nakagraduate ako ng, elementary, highschool, college at naging dentista. Naka graduate ang kapatid ko ng Pharmacy dahil sa tatay kong "TRICYCLE DRIVER LANG" I am not giving all the credits to my father sa pag gastos samin sa pag aaral. 


Larawan kuha mula sa post ni Marga

Nandyan ang mama ko, tita ko, pinsan ko na tumulong dn samin. Pero alam ko yung hirap ng tatay ko kakapamasada. Mainit, maulan, may bagyo o wala, alam ko ang hirap ng isang tricycle driver. Alam ko kasi nakikita ko ang tatay ko.

YOU HAVE NO RIGHT NA SABIHIN NA HINDI/ KAILAN NAGING MARANGAL ANG PAGIGING TRICYCLE DRIVER!! HINDI NILA NINANAKAW ANG PERANG PINAGHIHIRAPAN NILA. NAGTATRABAHO SILA NG MARANGAL PARA MAPAKAIN ANG PAMILYA NILA AT MABIGYAN NG MAGANDANG BUHAY ANG MGA ANAK NILA. THEY HAVE DREAMS TOO, A DREAM NA MAABOT ANG MGA PANGARAP NG MGA ANAK NILA


AT ATE, HINDI LAHAT NG TRICYCLE DRIVERS AY WALANG PINAG ARALAN. TATAY KO TRICYCLE DRIVER PERO NAKA GRADUATE PO SYA NG MARINE ENGINEERING FYI. PINILI NYA MAGING TRICYCLE DRIVER AT FARMER KASI GUSTO NYA KAMING MAKITANG LUMAKI. SIGURO MALAYO NA ANG NARATING MO SA BUHAY KAYA KA GANYAN. MAG INGAT KA BAKA BALANG ARAW MATAAS DIN BAGSAK MO.


Larawan kuha mula sa post ni Marga
MY FATHER IS A FARMER AND A TRICYCLE DRIVER AND HE'S MY REAL LIFE SUPERHERO. NOTHING CAN CHANGE THAT. TO PAPA, AT SA LAHAT NG TRICYCLE DRIVERS, SALUDO KAMI SA INYO!!! πŸ™ŒπŸ™ŒπŸ™ŒπŸ™Œ

- Love, ang mga anak mong Dentista at Pharmacist πŸ˜ŠπŸ’œπŸ’š

Hi #boknoyglamour 😏


***

Source:  Marga Santiago Suoborin

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Isang Tatay na Fishball Vendor, Napagtapos sa Kolehiyo ang Apat na Anak

6:34 PM
Larawan mula kay Girlie Verzosa

Hindi kailanman naging hadlang ang kahirapan sa buhay upang sumuko na lamang at hindi matupad ang mga pangarap. Ito ang tila naging motto ng isang tatay na isang fishball vendor.

Viral sa social media ang pagpupursige ng isang tatay na magtinda sa kalye ng fishball, kikiam, kwek-kwek at palamig upang mairaos ang pagaaral ng kanyang mga anak.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng isang proud na anak na si Girlie Verzosa ang pagiging masipag ng kanyang mga magulang para makapagtapos silang apat na magkakapatid sa kolehiyo.

Ayon kay Girlie, elementary pa lang silang magkakapatid ay nagtitinda na ng street foods ang kanyang mga magulang upang kumita ng pera at matustusan ang pang araw-araw na kanilang gastusin.

Kwento ni Girlie, madalas silang ipahiya ng kanilang mga kaklase dahil sa pagtitinda ng fishball ng kanilang mga magulang, ngunit natutunan nila itong balewalain dahil sa mga naging payo sa kanila ng kanilang mga magulang.
Larawan mula kay Girlie Verzosa
"Anak , kung anong meron ka wag mo ikahiya ...wag mong ipilit na mag-astang mayamn para lang kaibiganin ka ng ibang tao ...maging natural ka lang " payo ng ama ni Girlie

Sa kanyang post, lubos ang pasasalamat ni Girlie sa kanyang mga magulang na madaming tiniis na gutom at panghihiya para lamang ipataguyod ng mga ito ang ka nilang pagaaral.

"Maraming salamat sa Papa ko at Mama ko ... Alam ko po na marami kayong gutom na tiniis ... Maraming panghihiya ang pinaraya ...maraming araw na tirik man ang araw tiniis pa rin kahit nahihilo na ... puyat at pagod na ...pero lahat ginawa mapatapos lang kami sa pag-aaral ... Maraming maraming salamat po

Basahin sa ibaba ang buong post ni Girlie:

"Sinong nagsabi na Mag-fifishball LANG "

Hindi ko malilimutan yung mga taong nagsabi samin na "anak lang yan ng magfifishball "

"wag nating kaibiganin kasi di sya level satin" ....haaay .... Buti na lang tinuruan ako ng papa ko na maging natural lang
Larawan mula kay Girlie Verzosa
"Anak , kung anong meron ka wag mo ikahiya ...wag mong ipilit na mag-astang mayamn para lang kaibiganin ka ng ibang tao ...maging natural ka lang "

Nung Elemntary ako madalas akong asarin ng "Fishball , Kikiam, at palamig " medyo naiinis ako kasi may birthmark ako sa mukha na bilog at inaasar nila yun na sunog na fishball raw ...pero kahit ganun wala akong pakialam ...masaya akong alalahanin yung mga oras na nagtitinda si mama sa harap ng school at inaabot nya sa gate lahat pwede kong kainin na paninda nya ...kwek-kwek , unli fishball at kikiam ..tapos bibilhan pa nya ko ng "Pop" sa katabi nyang tindera ... Kahit anong sabihin nila proud ako sa mama at papa ko kasi marangal sila kung magtrabaho . Pero nung Graduation na Tameme yung mga nambully sakin kasi nakaupo sila lahat sa likod ko

"Itong anak ng magfifshball na to ang class Salutatorian nyo ngayon "

Hindi ko malilimutan nung higschool nung minsan ayain ko mga bago kong classmate na magpractice ng MAPEH sa bahay kasi may speaker dun at kami lang pinakamalapit sa school ...sabi nung isang classmate ko "para namng basurahan yung bahay nila " ( Me: Ouch.) at syempre nakita nila yung kariton ni papa sa bahay na pantinda ...dun na nagsimulang Ma-OP sa lifestyle nila ...buti na lang may binigay si Lord na iilang kaibigan na ... Na kahit sino ka pa tanggap na tanggap ka...minsan pa nga nung Highschool uso kasi nun yung sulatan sa papel sinabihan ba namn akong magnanakaw ...haiisssst hirap din eh .. Kapag mahirap ka sa klase ikaw lagi ang suspect kapag may nawawalang pera o gamit ... Anyway ..sumulat na lang ako pabalik

"Mahirap man ako ..magutom man ako ...hinding hindi ako kakain ng nakaw " ...bhala na sila ...ang importante .. May prinsipyo ka at alam mo ang totoo sa sarili mo .
Larawan mula kay Girlie Verzosa
Nung college namn ay Grabe lupet ng gastos ...sabay na maraming ng kalaban si papa sa pagtititnda ng fishball ...ilang camporal at Jamboree ang pinagpuyatan nya ...lahat ng okasyon sa baryo ...present sya ( Miss Gay, Battle of the Bands, Victory ball, Graduation, Senior Citizen Night, Foundation day ... Sabungan ... O kahit minsan pati libing hindi palalampasin ...makapagtinda lang ) ...sobrang sarap alalahanin kasi nga kapag bakasyon ko sumasama pa ako kay papa magtinda ... Bet na bet namin manuod ng mga orchestra sa mga pyestahan ... tapos uuwi kami mga 2am na ng umaga ...at dadaan sa 7/11 para kumain ng siopao ... Mga bonding na masarap maalala pagkatapos magtinda ...

At nung June 30 nga graduation day ni Bunso ...hehehe at ako yun, dun lang nagsink-in lahat ng pinagdaanan namin .. Pero syempre di ikukuwento ... Mahaba tlga eh ...

Grabe pala "SINONG NAGSABI NA FISHBALL LANG" kung apat na kolehiyo ang nakatapos ng dahil dun ...masasabi ko lang tlga ...na walang trabaho na Marangal ang dapat ikahiya ... Kung nanliliit ang mundo sa estadong meron ka ...mas lalo mong ipagmalaki ...dahil inggit lang sila dahil kung minsan kung sino pa may maayos na katayuan sa buhay ...sila pa yung ayaw magsipagtapos sa pag-aaral ... Pero ikaw ...kahit na anong pangmamaliit pa sakin ...may diploma na ko ...sisigawan ko na lang sila

"HOY..Ng dahil sa Fishball natapos Akong mag-aral ... At yun ay hindi nilalagyan ng LANG "

Maraming salamat sa Papa ko at Mama ko ... Alam ko po na marami kayong gutom na tiniis ... Maraming panghihiya ang pinaraya ...maraming araw na tirik man ang araw tiniis pa rin kahit nahihilo na ... puyat at pagod na ...pero lahat ginawa mapatapos lang kami sa pag-aaral ... Maraming maraming salamat po

Mahal na mahal po namin kau nila ate..

****

Rider na may sakit at pilit na kumakayod, nag-tape ng note sa likod para sa kapwa motorista

6:29 PM


Photos courtesy of Facebook @Aizel Lezia



Mahirap mamuhay sa Metro Manila, dahil sa sobrang busy at mabilis ang buhay dito sa syudad. Kailangan ay doble sipag at madiskarte ka, lahat halos ng tao ay nagmamadali sa pagpasok sa kani-kaniyang trabaho.


Ang lahat ay nagkukumahog makapasok ng maaga sa mga opisina, upang maagang makasakay at makaiwas sa trapiko. 


Kaya naman bawat motorista ay kani-kaniyang unahan sa kalsada, kahit kung minsan ay nawawala na ang konsiderasyon sa kapwa at ibang motorista.


Kanya kanyang overtake, madalas pa nga ay nagagalit pa ang iba dahil sa makupad ang driver na nasa unahan nila. Pero nalilimutan na siguro natin na baka naman ang kapwa driver o di kaya naman ay ang iba nating kapatid na motorista ay may pinagdadaanan lamang o di kaya naman ay may ini-indang karamdaman.


Gaya na lamang ng isang rider na ito na nakita ng isang netizen habang binabaybay nila ang kahabaan ng Commonwealth avenue na may nakadikit na mensahe sa kanyang likuran. 


Ayon sa post ng netizen na ito na kinilalang si Ms. Aizel Lezia, nakasabay nila ang nasabing rider sa Commowealth avenue kasalukuyang rush hour dahil uwian na ng mga galing sa trabaho. *


Photos courtesy of Facebook @Aizel Lezia

"Nakita ko lang kagb sa kahabaan ng trafic sa commonwealth ave. Nawala ang panandaliang pagod nmin sa nakadikit kay manong... Get wel po and Keep safe manong..hihihi" caption ng post ni Ms. Aizel tungkol sa rider na kanilang nakasabay.


Napansin nila si kuyang rider na tila mabagal lang ang kanyang takbo at sinisingitan na sa kanyang daan ng iba pang rider.


Nang malapitan nila ang nasabing rider, nakita ito ni Aizel at agad na kinuhaan ng litrato si kuya at ang nakadikit na mensahe sa kanyang likuran.


Nalaman nila na ang rider na ito ay may iniindang trangkaso pala. At kahit mabigat ang nararamdaman ay pinilit pa rin nitong pumasok sa kanyang trabaho upang may maipangtustos sa pangangailan ng kanyang pamilya.


Kaya naman, naglagay ng mensahe ito sa kanyang likuran upang maiwasan nya ang pagkainis ng ibang motorista sa kanya dahil sa mabagal lamang ang kanyang patakbo. Humingi na din ng pasensya si kuyang rider sa mga kapwa nya motorista at humingi ng pasensya dahil dito. *



Photos courtesy of Facebook @Aizel Lezia



Hindi na nakuha ng neitzen ang pangalan ni kuyang  rider at sa post ni Aizel na ito, umani ng paghanga ang mga netizens sa rider na may sakit.



Nakakalungkot para sa rider na ito, dahil sa kabila ng nararamdamang trangkaso ay kailangan pa rin nito magbanat ng buto.


Nagviral sa social media ang post na ito ni Ms. Aizel. Umani naman ng simpatya at papuri si kuyang rider sa mga netizens na ito.


Samantala, nagkomento naman ang katrabaho ni kuyang rider sa nasabing post ni Aizel, at pinatotohanan nya na may sakit nga ito noong araw na iyon. 


Sinabi din nya na mabait nga talaga ang kaopisina nilang ito at masayahin, matulungin, magalang at talagang masipag ito.


"He is our dear staff... he has a very bad flu but manages to report to work. He is well known at our office as a kind, courteous, jolly, and hardworking workmate. I am proud of you Joey. " ani ng kaopisina ng rider. *


Photos courtesy of Facebook @Aizel Lezia



Narito ang ilan sa mga saloobin at opinyon ng mga netizens hinggit sa pangyayari kay kuyang rider, narito ang ilan.


"Mahirap talaga mag drive kapag may sakit. Naranasan ko yan masama pakiramdam ko habang pauwi ako galing school, dalawang beses ako muntik mabangga hahahaha..."


"Respect motorcycle drivers kasi si papa mabagal din mag patakbo may epilepsy kasi si papa kya mabagal sya mag patakbo sa araw araw nya na pagbyahe paikot sa manila at uuwi sa antipolo "


"Baka namn pag magaling ka na kuya 80 na takbo mo sa commonwealth. Haha.. Nakaka goodvibes though.. Pagaling ka na kuya, Atleast Safe Sia ..nag abiso na kesa mapaaway or may mabadtrip sa knya hehehe ..get well soon Po... "


"Marami kasing mga kaskaserong driver na halos gusto ng sagasaan ang mga mababagal na motor sa high way. Kaya kailangan pa ni kuya mag-explain kung bakit sya mabagal. "  *




Photos courtesy of Facebook @Aizel Lezia




Dating panadero at janitor na bumalik sa pag-aaral, nagtapos bilang isang Summa Cum Laude

6:26 PM
Larawan mula sa abs-cbn news
Sino ang mag-aakala na ang isang dating factory worker, security guard, panadero at naging janitor ang makakapagtapos sa pag-aaral bilang isang Summa Cum Laude ng paaralan.

Madami ang namangha sa ipinamalas na determinasyon ng isang 27 taong gulang na si Abzonie ReΓ±o upang maabot ang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral at makaahon sa hirap ng buhay.

Si Abzonie ang kauna-unahang Summa Cum Laude sa Caraga state university sa kursong Bachelor of Science and Secondary Education, Major in Math.

Ayon sa kwento ng buhay ni Abzonie, matapos siyang maka-gradute ng high school noong taong 2008 ay nilisan na nito ang kanilang lugar sa Butuan City upang maghanap ng trabaho sa Manila upang makatulong sa pamilya.
Larawan mula sa abs-cbn news
Mahirap ang pinagdaanan ni Abzonie dahil pitong taon siyang tumigil sa pag-aaral dahil na rin sa kahirapan ng buhay.

Pagkatapos nitong maghigh-school ay namasukan si Abzonie bilang isang factory worker sa Metro Manila. Naging panadero din siya, naging security guard sa isang pribadong paaralan, naging janitor at maging houseboy ay pinasok ni Abzonie para makatulong sa pamilya.

Ang ina ni Abozonie ay isang labandera para itaguyod ang kanyang ibang kapatid lalo't iniwan na sila ng kanilang ama.

Kwento ni Abozonie, bumalik siya sa kanilang lugar taong 2015 at naghanap ng scholarship upang maipagpatuloy ang kanyang pagaaral.

Imbes na ma-insecure si Abzonie sa kanyang edad ay ginawa niya itong inspirasyon para makatapos sa pag-aaral. Siya din ang nag-enganyo sa kanyang mga kaklase na mag-aral ng mabuti.

Sa kanilang labing limang magkakaibigan ay sampo ang nagtapos na may honor dahil narin sa pagiging matulungin ni Abzonie upang makapag-aral ng mabuti.
Larawan mula sa abs-cbn news
Larawan mula sa abs-cbn news
Dahil din sa mga naitabi ni Abzonie na allowance sa kanyang scholarship ay nakapagpatayo siya ng bahay para sa kanyang pamilya, patunay lamang na isang mabuting anak itong si Abzonie.

Pero hindi pa tapos si Abzonie sa pagpupursige magaral dahil balak pa nitong kumuha ng master degree para maging guro.

Umani naman ng mga positibong komento galing sa mga netizen ang ipinamalas ng determinasyon ni Abzonie.

Reign Heart Salute to this man and it's a very good news.Something inspiring that reminds me to work hard for my dreams in life.

Erlyd Bondad Dayan Saludo po ko sau Sir.. Just continue what u've started.. God bless u more po...πŸ˜‡This is the start of ur new journey to a better life...

shan tali napaka bait niyan ni kuya dondon, siya yung guard at helper sa school namin sa spring christian school tapos kada papasok kami babatiin kami ng nakangiti kahit nakakainit ng ulo sa sobrang init ng panahon.

****

Source: ABS-CBN News