Bouquet na gawa sa P72k na pera, pinagkaguluhan sa social media - News Spy


Bouquet na gawa sa P72k na pera, pinagkaguluhan sa social media



 Namangha ang mga netizens sa isang bouquet na gawa sa pera at nagkakahalaga ng P72k. May kasama rin itong mga bulaklak at chocolates. Nag-viral ang mga lawaran na ito sa social media.

Larawan mula sa BFC Flowers and Gift

Ibinahagi ng flower shop na BFC Flowers and Gift ang surprise ng isang netizen. Mabilis na kumalat ang mga larawang ito dahil hindi naman normal ang ganitong mga supresa.

Bukod sa mga magagandang komento ay hindi maiiwasang may mga netizens na tila nagduda sa instensyon ng nagbigay ng regalo.

Anila, baka raw may nagawang malaking kasalanan ang nagregalo kaya gumagawa ito ng paraan upang mapatawad. Meron din mga nagsasabing nagpapasikat lamang ito.

Ngunit ang hindi alam ng iba ay mula sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang bouquet ng mga pera at regalo niya ito sa kanyang ina na si Simeona Baccate ng Gen. Natividad, Nueva Ecija.

Ayon sa post, si Ms. Lorenjane ang OFW na nasa Japan ang nasa likod ng nakakabilib na supresang ito. Bukod sa bouquet ng pera, umorder din ito ng chocolate bouquet, flower bouquet, fruit basket, cakes, chocolate box, teddy bear at Anlene milk.

Si Nanay Simeona ay 72 years old na kaya nagkakahalagang P72k rin ang bouquet.

Narito ang ilan sa mga larawan mula sa BFC flowers and gift.
 Larawan mula sa BFC Flowers and Gift
 Larawan mula sa BFC Flowers and Gift
 Larawan mula sa BFC Flowers and Gift
 Larawan mula sa BFC Flowers and Gift
 Larawan mula sa BFC Flowers and Gift
Larawan mula sa BFC Flowers and Gift