Isang batang maninisid isa na ngayong seafarer dahil sa tulong ni Kara David - News Spy


Isang batang maninisid isa na ngayong seafarer dahil sa tulong ni Kara David



Joselito Padilla and Kara David, photo from pep.ph
Ang isang iskolar ng Proyekto ni Kara David na Malasakit ay sasali na sa isang cadetship program. Siya ay si Joselito Caasi Padilla, isang graduate ng B.S. Marine Transport sa PISMAT Colleges.

Si Joselito Padilla ay naninirahan sa isang isla na walang kuryente, Isla ng Silaki sa Pangasinan. Isang batang laborer mula sa 5 taong gulang. Sumisisid si Joselito sa dagat para makakuha ng urchins araw-araw, upang mapaaral niya ang kanyang sarili sa paaralan.



Ang proyektong Malasakit ay programang iskolar ni Kara David na naglalayong “bridge the gap between Filipinos who want to help and Filipino children who need to be helped.” At isa na dito si Joselito sa mga nakuhang magkaroon ng scholarship.

Ang mamamahayag ng Kapuso na si Kara David ay isa sa pinaka pinagkakatiwalaang personalidad ng media sa bansa.

Hindi lamang siya ay isang mapagkakatiwalaang reporter ngunit siya ay isang “fairy god mother” sa iba.

Ibinahagi ni Kara kung paano ang isang batang nakilala niya 10 taon na ang nakakaraan ay nagtapos sa kolehiyo sa tulong ng kanyang scholarship foundation Project Malasakit.
Kara David and Joselito Padilla, photo from Project Malasakit ni Kara David page



Narito ang kabuuang pahayag mula sa Facebook page na Project Malasakit ni Kara David:

Kara : "I met Joselito Padilla ten years ago for an Iwitness documentary on child divers in Bolinao, Pangasinan. He was only in 4th grade when we took him in as a scholar for Project Malasakit. Last week, Joselito graduated from college (BS Marine Transport). Congratulations our dear Joselito. Salamat sa iyongpagsisikap. Salamat din sa lahat ng donors  :)"

Umani nang 148k reactions, 24k share at 1.7k komento ang post ng Facebook page na Project Malasakit ni Kara David.

Narito naman ang isa pang post ng page na nagpapakita ng pagka excite sa pagsama ni Joselito sa isang Cadeteship Program:

“So excited for our Project Malasakit scholar Joselito Caasi Padilla who will now be joining the cadetship program of Crystal Shipping Inc. Salamat sir Aly for giving Joselito a chance to fulfill his dreams of becoming a seafarer. I first met Joselito when he was 10yrs old. He used to dive for sea urchins to send himself to school. Since then, we have taken him in as a scholar of Project Malasakit. Joselito has truly gone a long way from being a child laborer to becoming a full-pledged seafarer in the future! Godspeed Joselito! Galingan mo, we are behind you all the way  šŸ™ www.projectmalasalit.ph”



Narito naman ang ilang komento ng mga netezins tungkol sa tagumpay ng Joselito:





Source: tnp.today