


Football player from Africa, photo captured from GMA News TV |
Ang binata ay nagpunta sa bansa para sa isang imbitasyon na maging isang tagapagsanay sa football clinic sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila at sa Mckinley Hill sa Taguig City.
Ayon sa report ni Athena Imperial sa GMA News TV na "Balitanghali" ngayong Miyerkules, anim na araw na palaboy-laboy umano ang binata sa arrival area ng NAIA-Terminal 1, at naghihintay na may susundo sa kanya ngunit wala ni isang dumating para sa kanya.
Sinabi ng minor de edad na dayuhan na P150,000 ang kaniyang ibinayad sa nakausap na football clinic na gaganapin dito sa Pilipinas, ayon sa airport police na si Jaime Estrella.
Nasa kasunduan raw ang plane ticket at ang kanyang tutuluyan na hotel.
Sinabi pa ng binata na binenta ng kanyang pamilya ang ilan nilang alagang mga hayop para makadalo sa football clinic dito sa Pilipinas.
Bagaman mayroon siyang tiket para sa eroplano, ang sulat naman para sa hotel na ipinadala sa kanya ay sinasabing peke umano.
"Nagdududa nga po ako dahil minor ito. Under the rules ng FIFA, they are so strict in recruiting minors for clubs...hindi po nagre-recruit ang Azkals ng hindi Pilipino so isang red flag,” pahayag ng Manager ng Askals na nakausap sa telepono.
Nasa mabuting kamay ngayon ng airport police ang binatang dayuhan at makakauwi ito sa kanilang bansa sa darating na Nobyembre 10, ito’y nakasaad sa plane ticket na hawak nya.
Source: gmanetwork.com