“Generous Boss”, Duterte admin, magbibigay ng mga bonuses at cash gifts para sa government workers ngayong Nobyembre 2017 - News Spy


“Generous Boss”, Duterte admin, magbibigay ng mga bonuses at cash gifts para sa government workers ngayong Nobyembre 2017



President Rodrigo Duterte, photo from All Things Pinoy
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) sa pamamagitan ni Secretary Benjamin Diokno ngayong Miyerkules na ang mga manggagawa ng gobyerno ay makakakuha ng cash gift at isang year-end bonus simula ngayong buwan ng Nobyembre o magsisimula ngayong Nobyembre 16, 2017.

Sinabi ni Secretary Benjamin Diokno na ang DBM ay naglaan ng P6.93 bilyon para sa mga cash gift at P32.84 bilyon para sa mga year-end bonuses sa ilalim ng badyet ng 2017.



Ayon sa Kalihim ng DBM, "Starting November 15, all qualified government employees will receive year-end bonus tax free that is equivalent to their one month basic salary," sinabi ni Sec. Diokno sa isang breakfast forum sa Pasig City.
Secretary Benjamin Diokno, photo from Rappler

Nabanggit din ni Sec. Diokno na bukod sa bonus ng year-end, ang bawat manggagawa ng estado ay makakakuha rin ng P5,000 cash gift. Nilinaw din ng DBM na ang pagrelease ng bonuses at mga cash gift ay magsisimula sa Nobyembre 16, dahil ang ika-15 ay isang non-working day sa kadahilanan ng 31st ASEAN Summit.



Ang mga karapat-dapat na makakatanggap ng bonus at cash gifts ay mga tauhan ng pamahalaan na nag-render ng hindi bababa sa apat na buwan ng serbisyo, kabilang ang mga leaves of absense with pay mula Enero 1 hanggang Oktubre 31, at ang mga nagtatrabaho pa rin  hanggang Oktubre 31.

Dagdag pa ni Sec. Diokno, na ang mga bonuses at cash gifts ay napapailalim sa mga patnubay na ibinigay ng Department of Budget and Management and Budget Circular No. 2016-4.

Source: politics.com.ph