Law expert expose 2016 election fraud, reveals conspiracy of syndicate and politicians challenge for a live debate - News Spy


Law expert expose 2016 election fraud, reveals conspiracy of syndicate and politicians challenge for a live debate



VP Leni Robredo | Ex-Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. | CTTO

Well known Information Technology (IT) expert and a lawyer took on social media calls out VP Robredo's camp on the on-going investigation anent to the alleged Election fraud on last year’s vice presidential race.

Former representative of Lone district of Biliran, Atty. Glenn Chong hit out Vice President Leni Robredo, Sixto Brillantes Jr the former chair of Commission on Elections, and Emil Maranon III one of the election lawyers consulted by the camp of VP Leni and a former chief of staff of Sixto Brillantes for finding their way to deny all the allegations of elections fraud transactions.

Atty. Glenn Chong and camp of former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. expresses determination to go through the process of proving that BBM won last year’s vice presidential race against incumbent Leni Robredo.

Bongbong Marcos lost to Leni Robredo by 263,473 votes in the May 2016 election which the former senator claimed was marred by fraud. 


Atty. Glenn Chong | CTTO

Law expert Glenn Chong cited a particular irregularity where there was already transmission of votes from Ragay, Camarines Sur happened May 8 a day before the Election day of May 9 where difference of number of votes between Leni and Marcos nearly matches.


"Take note, 459 presinto ang nagtransmit ng resulta mula May 8 hanggang May 9 bago magsara ang mga presinto. Kada presinto ay may mahigit-kumulang 600 botante. In simple mathematics: 459 presinto x 600 botante kada presinto = 275,400 potential votes. Ang lamang ni Robredo kay BBM ay 263,473 boto lamang."

Check his full Facebook post below:

ATTENTION: MARIA LEONOR ROBREDO, EMIL MARAÑON III
AND SIXTO BRILLANTES JR

by Glenn Chong

Sa isang opinion article na isinulat ni Atty. Emil Marañon III noong Sabado at inilathala sa Rappler, pinabulaan niya ang exposé tungkol sa dayaan sa halalan ni Sen. Tito Sotto III. Si Marañon ay consultant ni Robredo at dating chief of staff ni Sixto Brillantes Jr. Kaya ang opinyon na ito ay maituturing natin na sagot ng kampo ni Robredo sa mga alegasyon ng dayaan.

Ayon sa kampo ni Robredo, ang electoral fraud ay tungkol sa pagdadagdag o pagbabawas ng boto ng mga kandidato upang ipapalabas na ang natalo ang siyang nanalo. Wala raw ipinakitang ebidensiya si Sen. Sotto na ito ang nangyari.

Ito ay palusot lamang.

Ipinapako ng kampo ni Robredo ang isyu ng dayaan sa halalan sa legal definition ng electoral fraud dahil dito lamang sila posibleng lumusot pansamantala. Kaya naghahanap sila ng numero – ilan ang idinagdag at ilan ang ibinawas na boto. Ang legal definition ng electoral fraud ay sadyang pabor sa mga mandaraya dahil hawak ng Comelec at Smartmatic ang lahat ng mga balota, SD cards, system log files, at metadata ng mga resulta ng halalan. Lahat ng mga ito ay patuloy na hinahawakan at itinatago ng sindikatong ito. 

Kaya ang maipapakita lamang ni Sen. Sotto sa ngayon ay malinaw na mga palatandaan ng mga anomalya na walang namang ibang paliwanag kundi may dayaan. Kaya nga nananawagan si Sen. Sotto ng masusing imbestigasyon upang mabulatlat ang lahat ng ito at malaman ng sambayanan ang katotohanan.

Ano bang meron sa masusing imbestigasyon sa harap ng publiko ang kinatatakutan ng kampo ni Robredo at ng sindikatong Comelec at Smartmatic? Kung walang dayaan, ipakita nila ang lahat ng mga log files na kakailanganin. Dahil kong aayaw sila, alam mo na!

Ayon sa kampo ni Robredo, ang mga naitalang “early transmission of votes” noong May 8, 2016, isang araw bago ang halalan, ay galing diumano sa Final Testing and Sealing ng mga makina. Hindi raw maiwasan na may mga makina na naantala ang delivery at may mga pumalya at kailangang palitan kaya posibleng sa May 8 na sila nagkaroon ng Final Testing and Sealing. At ito ang naitala sa DNS server na binanggit ni Sen. Sotto.

Ito ay palusot lamang.

Kabago-bago ng mga makina, hindi pa nagamit at pumalya na! Walang kwenta talaga ang mga makina ng Smartmatic. Besides, may Pre-Logic and Accuracy Test ang bawat isa sa mga makinang ito bago lumabas sa bodega at ipinadala sa mga presinto.

Bakit pumalya ang mga ito pagdating sa presinto kung dumaan na ito sa masusing testing sa bodega pa lamang?

Besides, but more importantly, ang kaso sa Ragay, Camarines Sur ang patunay na hindi galing sa Final Testing and Sealing ang 459 transmissions ng resulta mula May 8 hanggang habang nagbobotohan pa sa araw ng halalan, May 9. Wala ni isa sa 62 presinto sa Ragay ang nagkaroon ng Final Testing and Sealing sa araw ng May 8 pero may pumasok na resulta mula sa Ragay noong May 8, 8:40 ng umaga o isang araw bago ang halalan.

Take note, 459 presinto ang nagtransmit ng resulta mula May 8 hanggang May 9 bago magsara ang mga presinto. Kada presinto ay may mahigit-kumulang 600 botante. In simple mathematics: 459 presinto x 600 botante kada presinto = 275,400 potential votes. Ang lamang ni Robredo kay BBM ay 263,473 boto lamang.

Dagdag pa ng kampo ni Robredo, imposibleng magkaroon ng “early transmission of votes” dahil may “firewall” ang mga servers na pumipigil sa pagpasok ng mga resulta kung hindi pa tapos ang halalan.

Maaring totoo ito kung hindi pinakialaman ang “firewall” ng mga servers. Pero isang araw bago ang halalan, May 8 din, ang pakialamerong si E360SYNC (with God-like powers) mula sa abroad ay nagpatakbo ng shell script sa DNS server. 

Ang shell script ay isang computer program na karaniwang ginagamit sa pagmamanipula ng file, pagpapatakbo ng program at iba pa. Under normal circumstances, dapat napuna ito ng standard anti-malware bilang isang malisyosong aktibidad.

Dahil sa pakikialam ng makapangyarihang si E360SYNC sa araw mismo ng magsimulang pumasok ang mga resulta noong May 8, maaring naging inutil ang pinagyayabang na “firewall” ng kampo ni Robredo. Coincidence? I don’t think so. Tila ang “firewall” lamang ni BBM ang tanging epektibo dahil hindi nakapasok ang Trojan Horse (isang uri ng malware) na si Sixto Brillantes Jr. Kaya ayon, bitbit ang kanyang chief of staff, lumantad na sa kampo ni Robredo.

At panghuli, ayon sa kampo ni Robredo, may simple at epektibong paraan kung paano mahuli ang dayaan. Ikumpara raw ang resulta ng halalan (election returns) sa bawat presinto sa resultang naitala sa municipal, provincial at national board of canvassers. Dito mahuhuli kung may dayaan, kung may dagdag o kung may bawas sa mga boto. Hamon ng kampo ni Robredo, kung may maipakitang discrepancy sa boto, kahit isang boto lamang, ito ay patunay ng dayaan.

Sa exposé ni Sen. Tito Sotto, may binanggit siyang hindi tumugma ang mga servers. Hindi niya sinabi kung ilang boto ang discrepancy. 

Hindi ko rin sasabihin rito kung ilan nga at alin sa mga servers na ito ang hindi nagtutugma dahil nagbabasa rin ang mga kalaban. Pero sapat ng sabihin na ang discrepancy ay umabot sa mahigit 200,000 boto. Kung naghahanap ang kampo ni Robredo ng isang boto ng discrepancy lamang bilang patunay ng dayaan, tiyak sobra-sobra na ang mahigit 200,000 boto ng discrepancy sa mga servers. Uulitin ko, ang lamang ni Robredo kay BBM ay 263,473 boto lamang.


VP Leni Robredo | former chair of Commission on Elections Sixto Brillantes Jr
Naghahanap ng numero ang kampo ni Robredo. Ayan ang mga numero. Tumugma sa lamang ninyo!

P.S. Sa loob ng 8 taon na kinakalaban ko ang sindikatong ito, wala pa akong nakitang ni isa sa kanilang hanay ang may sapat na tapang na harapin ako sa isang live debate sa harap ng media at publiko. Kahit si Sixto Brillantes Jr aka Trojan Horse ay takot din. Hindi po ako nagmamayabang. Sinasabi ko lang ang katotohanan.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Facebook