PEZA, nagrehistro ng PhP203.2 Bilyong investments nitong Enero-Oktubre 2017 na umangat ng 89.3% mula 2016 - News Spy


PEZA, nagrehistro ng PhP203.2 Bilyong investments nitong Enero-Oktubre 2017 na umangat ng 89.3% mula 2016



PEZA logo and President Rodrigo Duterte, photo compiled from Google
Si Pres. Rody Duterte ay talagang nagpapakita ng positibong resulta sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng kanyang pamumuno sa kabila ng pagiging isang non-ekonomista na lider matapos mag-rehistro ng P203.2 Billion Investments ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) nitong Enero hanggang Oktubre 2017.

Ang kahanga-hangang bilyun-bilyong investments sa Pilipinas ay umabot sa 89.3 porsiyento mula sa PhP107.3 bilyon sa taong 2016.



Ayon sa PEZA Director General Charito Plaza ang bilang ng mga proyekto, ang mga henerasyon ng trabaho at mga kita sa pag-export sa mga economic zone sa iba't ibang bahagi ng bansa para sa ngayong taon ay umangat din.

Sa unang 10 buwan ng taong 2017 sa ilalim ng pamumuno ni Pres. Duterte ang mga inaprubahang proyekto ng PEZA ay bahagyang lumaki ng .062 porsiyento sa 484 mula 481 noong nakaraang taon.

Bukod sa pagtaas ng mga proyekto at investments ng PEZA, ang employment sa PEZA zones ay umabot ng 4.47 porsiyento sa 1.38 milyon nitong Enero hanggang Oktubre 2017 mula sa 1.32 milyon sa parehong panahon ng taong 2016.



Ang mga firms na nakarehistro sa PEZA ay napabuti rin ng kanilang mga kita sa export sa 9.7 porsiyento, mula P34.6 bilyon sa 2016, naabot nila ang P38 bilyon habang ang mga investments sa pag-unlad ng economic zone ay umabot sa P125.8 bilyon o halos doble ang P65.2 bilyon na naaprobahang pag-unlad noong 2016.

Ang paglago sa mga investments sa pagmamanupaktura ay mas mabilis sa 98 porsyento na nagkakahalaga ng PHP45.6 bilyon noong Enero hanggang Oktubre 2017 mula PHP23.5 bilyon noong nakaraang taon.

Ang PEZA Director, na si Plaza ay nagsiwalat din sa isang chance interview na ang mga pangako ng investments sa PEZA ay nakikita sa karagdagang pagtaas sa pagtatapos ng taon. Agresibo ang PEZA sa pagtataguyod ng Pilipinas bilang destinasyon ng investments mapadayuhan man at lokal na kumpanya.

Source: philnews.xyz