Jim Paredes nag-react sa pagkawala ng tulong ng EU para sa Pilipinas - News Spy


Jim Paredes nag-react sa pagkawala ng tulong ng EU para sa Pilipinas



Jim Paredes and EU logo, photo compiled from Google
Ang kilalang Filipino TV personality na si Mr. Jim Paredes ay nagreact sa pagkawala ng pinansiyal na tulong mula sa European Union (EU) sa Pilipinas.

Si Jim Paredes ay isang musikero na kilala bilang miyembro ng APO Hiking Society, producer, photographer, TV personality, producer, at aktibista na sumali sa iba't ibang rali at protesta.



Si Paredes ay kilala rin sa paglikha ng awit ng 1986 People Power Revolution na pinamagatang "Handog ng Pilipino sa Mundo," na nairecord rin ng 15 na artist sa Australia sa parehong taon.

Kamakailan, ang 66-taong-gulang na TV personality ay tumugon sa pagkawala ng mga gawad mula sa European Union, na maaaring maging malaking tulong sa Mindanao sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang Twitter account.

Ipinahayag ni Paredes ang kanyang pagkadismaya sa isang announcement na ibinigay ng tagapagsalita ng Pangulo na si Ernesto Abella na nagsasabing tatanggihan ng Pilipinas ang lahat ng uri ng tulong mula sa European Union (EU).

Ipinaliwanag ng MalacaƱang na bagaman ang bansa ay tumangging tanggapin ang tulong, bukas pa rin ito para iwelcome ang kalakalan at mga nakakatulong na payo mula sa EU.



Narito ang post ni Paredes sa kanyang social media account:

“It’s final, no more EU aid to the Philippines. Close to 300 million dollars, a lot going to Mindanao, gone!”
Jim Paredes' post on Twitter, photo from philnews.ph



Ang post ng nasabing musikero ay nakakuha ng iba't ibang mga reaksyon mula sa netizens:

Lovely Balala: “ahay! nalungkot kb Mr.Paredes??wala na kyong kupit?”

Jhon Manuel: “Kaloka! Pwedeng pagaralan muna how EU FUNDING works before making such remark.”

Laban Pilipinas: “Oh Di ba Sabi nyo iba tong admin na to?! Why are you asking that question? Are you expecting this admin to do the same!!”

PattiParada: “Dude, keep abreast of real news para alam mo ang kaganapan and you don’t post silly questions like that.”

J: “Nothing about the previous administration was mentioned in this post. So... what's the point of comparison?”

Ano ang masasabi mo tungkol dito sa reaksyon ni Jim Paredes?

Source: philnews.ph