


![]() |
Photo from RMN News |
Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Lunes, nakilala ang mga biktima na sina Retired Chief Inspector Hoover Pascual, 54, at ang negosyanteng anak na si Bryan, 33. Ang kasintahan ni Bryan na si Marigold Remo, na nakaupo sa likod nila, ay nakaligtas sa pag-atake sa nasabing insidente.
Ayon kay Senior Supt. Juaquin Alva, ang punong Pulisya ng Mandaluyong, Si Pascual umano ay dating itinatag bilang hepe ng San Juan City police anti-iligal yunit ng droga at itinalaga din sa Mandaluyong hanggang sa kanyang pagretiro.
Ayon sa mga ulat, ang tatlong nakasakay sa isang lumang Mercedes Benz na kotse at nagmamaneho sa kahabaan ng F. Blumentritt Street sa Brgy. Hulo, Mandaluyong City ay hinaramg ng isang puting van habang papalapit sila sa Primo Cruz Street.
Ang mga armadong lalaki ay bumaba sa van at pinaputukan ang sasakyan ng mga Pascual. On the spot namang namatay ang mag ama sa pamamaril na naganap.
Tinitingnan ngayon ng mga imbestigador ang posibilidad na ang nakaraang trabaho ni Pascual ay maaaring may kinalaman sa pagpatay sa kanya.
Panoorin ang video:
Source: GMA News