Pahayag ni Rep. Baguilat sa SWS Survey Results: “History Will Judge that Aquino is Better than Duterte” - News Spy


Pahayag ni Rep. Baguilat sa SWS Survey Results: “History Will Judge that Aquino is Better than Duterte”



Ifugao Representative Teddy Baguilat, President Rodrigo Duterte and former Pres. Aquino, photo from Philippines Trend
Ang Liberal Party stalwart at Representatitive ng Ifugao na si Teddy Baguilat ay hindi sumasang-ayon sa mga pinakabagong resulta ng Social Weather Station survey kung saan si Pres. Duterte ang nakatanggap ng 70% ng mga Pilipino na naniniwala siya na mas mahusay kaysa sa dating Pres. PNoy Aquino.

Ayon kay Rep. Baguilat, ang kasaysayan ang huhusga kay dating Pres. Aquino at siya ay nakakasiguro na si Aquino ay mas mahusay kay Duterte, bagaman may malaking posibilidad na malampasan ni Duterte si Noynoy sa pagiging popular, ngunit naniwala siya na mas importante ang high trust rating kaysa iyon.



Sa isang pakikipanayam sa media, si Rep Baguilat, isang miyembro ng "Magnificent 7" sa House of Representatives ay nagsabing, "Duterte might eventually surpass PNoy's historical average trust rating over the course of his term. But what's more important is not popularity but whether the high trust ratings would translate into strong legacies," pahayag ni Baguilat.

Ayon kay Baguilat, ang dating Pres. PNoy ay nakamit ang mga legacies na hindi malalampasan ng popular rating ang vibrant at resilient na ekonomiya ng bansa, nagsisimula ng mga usapang pangkapayapaan, pagpapatupad ng Universal Health Coverage, K-12 Program, BUB, at 4Ps.



Ang beterano na mambabatas mula sa Ifugao, si Rep. Teddy Baguilat ay isa sa pinakamatinding kritiko ni Pres. Rody Duterte at ang karamihan sa mga patakaran ng kasalukuyang administrasyon ay sinasalungat ng mambabatas na closely connected kay Pres. PNoy, Mar Roxas at VP Leni Robredo.

Tumakbo si Rep. Teddy Baguilat para sa speakership sa ika-17 na Kongreso ng Pilipinas ngunit sa kalaunan ay natalo siya ng kaalyado ni Pres. Duterte na si Speaker Pantaleon Alvarez.

Ang kinatawan mula sa nag-iisang distrito ng Ifugao ay nagsilbing Gobernador ng Ifugao bago naging isang mambabatas at sa panahon ng kanyang termino, ang Provincial Board ng Ifugao ay nag-file ng isang kaso laban sa kanya para sa gross negligence ngunit ang kaso ay na-dismiss.

Source: philnews.xyz