VP Robredo kinontra si Pangulong Duterte sa kanyang shoot-to-kill order para sa mga armadong NPA - News Spy


VP Robredo kinontra si Pangulong Duterte sa kanyang shoot-to-kill order para sa mga armadong NPA



Vice President Leni Robredo and President Rodrigo Duterte, photo from CNN Philippines
Binalewala ni Bise Presidente Leni Robredo ang shoot-to-kill order ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Sa kanyang speech sa panahon ng paggunita ng Bonifacio Day sa Caloocan City, binanggit ni Robredo ang kahalagahan sa pag-obserba ng panuntunan ng batas at mga pamamaraan sa pagpatay sa mga rebelde.



Naniniwala rin si Robredo na ang utos ni Duterte ay magpapahina lamang sa panuntunan ng batas at demokrasya.

“Parang hindi naman ganoon iyong sinasabi ng Konstitusyon natin at mga batas na nandiyan. Ang sinasabi ng ating mga batas, na kapag mayroong nagkasala, mayroong proseso para alamin kung totoo ba iyong paratang, at mayroon namang nararapat na penalidad sa mga paratang,” ayon kay Robredo.

Idinagdag din niya na ang shoot-and-kill order ay magpapahina sa country’s rule of law bilang democratic constitution.

“Kung pinapayag natin na ilagay sa ating mga kamay iyong batas, parang pinapawalang-bisa natin iyong ating demokrasya, pinapawalang-bisa natin iyong rule of law at iyon iyong simula para magkagulo-gulo tayo,” paliwanag ni Robredo.



“Kaya tayo mayroong mga institusyon dahil itong mga institusyon na ito ang nagsisigurado na parating maayos iyong pang-araw-araw na pagkabuhay natin. Kapag sasabihin natin na puwede tayong magpatay kasi mayroon tayong binibintangan na gumawa ng krimen, anong mangyayari sa ating lahat, ‘di ba?” dagdag nito.

Maaaring maalala na sinabi ng Pangulo na inutusan niya ang mga government troops na ishoot-to-kill ang mga armadong kasapi ng NPA.

“So what will be my order to them? Di shoot them. They will kill you anyway. If there is an armed NPA there or terrorist that’s holding firearms, shoot and tell any…ako na lang magsagot. You just shut up,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Ang pahayag ni Duterte ay dumating pagkatapos ng isang linggo na nilagdaan niya ang Proclamation No. 360 na tinatapos ang negosasyong pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People’s Army (CPP-NDF-NPA).

Source: newsinfo.inquirer.net