(Must Watch) Pres. Duterte, nagpasya na sisibakin ang isang Commission nitong Lunes para sa isyu ng Corruption - News Spy


(Must Watch) Pres. Duterte, nagpasya na sisibakin ang isang Commission nitong Lunes para sa isyu ng Corruption



President Rodrigo Duterte, photo from YouTube
Ang tough-talking na Pangulo ng Republika ng Pilipinas, Pres. Rodrigo Roa Duterte ay nagsabing sisibakin sa puwesto isang buong government commission dahil sa mga paratang ng korapsyon.

Ang pahayag ni Pres. Rody Duterte na pagtatanggal ng isang buong commission ay inihayag ng Pangulo ng ilang linggo bago ang Pasko. Ang pahayag ng Pangulo ay inihayag sa pagdiriwang ng ika-84 anibersaryo ng DOLE sa Malolos, Bulacan.



"On Monday, I will fire about one commission mismo. Lahat sila," pahayag ni Pres. Duterte.

"Wala akong pakialam kung nakisali dalawa, tatlo, you have to go out. Because I do not think it will exist without your knowledge at bakit hanggang... Wala akong patawad-tawad," dagdag pa nito.

Panoorin ang video na iniulat ng GMA News:

Ang 72-anyos na Pangulo ay paulit-ulit na nagsabi na "a whiff of corruption" ay sapat na para sa kanya upang tanggalin sa pwesto ang isang opisyal "Corruption is really pulling us down," ayon kay Pres. Duterte.



Sinabi muli ni Pres. Duterte sa kanyang tagapakinig sa panahon ng anibersaryo ng DOLE tungkol sa isang opisyal na naglakbay sa labas ng bansa ng anim na beses at nagbigay ng ultimatum sa opisyal ng pamahalaan na hindi niya pinangalanan upang maghain ng isang pagbibitiw bago niya sisibakin sa puwesto ang opisyal.

Ang unang Pangulo mula sa Mindanao ay patuloy na nagpapaalala sa mga manggagawa ng gobyerno na hindi niya pinahihintulutan ang pag-extravagance na pinondohan ng pera ng mga nagbabayad ng buwis.

Sa ilalim ng administrasyon ni Pres. Duterte ang pinakamataas na ranggo na opisyal na sinibak niya sa mga paratang ng katiwalian noon ay si Interior Secretary Ismael Sueno. Ang Pangulo din ay tinanggal sa puwesto ang National Irrigation Administration chief na si Peter Lavina noong Marso dahil sa diumano'y katiwalian. Parehong mga opisyal na ito ay mga prime movers sa kampanya ni Pangulong Duterte noong 2016.



Panoorin ang buong video ni Pres. Duterte sa Ika-84 anibersaryo ng DOLE:

Sinibak din ni Pres. Duterte si Undersecretary Maia Chiara Halmen Reina Valdez dahil sa pagtatangka na baligtarin ang pagtanggi ng National Food Authority na si Jason Aquino ng permiso sa pag-angkat ng bigas.

Ang iba pang mga opisyal na dinismissed ni Duterte ay ang dating Dangerous Drugs Board chairman na si Dionisio Santiago at Sugar Regulatory Administration chief na si Anna Rosario Paner.

Source: DU30Trends Youtube Account