Galit na galit si Pres. Duterte ng ipinahayag niya na gusto niyang sipain si ex-DBM USec De Leon - News Spy


Galit na galit si Pres. Duterte ng ipinahayag niya na gusto niyang sipain si ex-DBM USec De Leon



DBM logo and President Rodrigo Duterte, photo from CNN Philippines
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na sipain ang dating Undersecretary ng Department of Budget and Management na sinabak dahil nagalit ang Pangulo sa maling paggamit ng opisyal ng mga public funds.

Sa isang pahayag sa pagdiriwang ng ika-84 anibersaryo ng Department of Labor and Employment sa Bulacan, Biyernes (Disyembre 8), sinabi ni Duterte na gusto niyang sipain ang dating DBM undersecretary na si Gertrudo De Leon sa mukha nang magkita sila sa Malacañang.



“The last that I fired, ‘yung undersecretary mismo ng Budget sa ‘yun sa Malacañang. Gusto kong sipain sa mukha eh, sa totoo lang. Nahiya lang ako kasi nandiyan si Medialdea, kaibigan niya,” pahayag ng Pangulo.

“I fired him. Wala sa labas — diyan mismo sa — pinaikot-ikot ‘yung pera sa…sabi ko, p****** i** ka,” idinagdag pa ni Pres. Duterte.

Pabirong sinabi ni Duterte na siya ay masyadong galit kay De Leon na gusto din niya sipain sa paa ng dahil hindi niya masipa ito sa mukha.

“Gusto kong sipain sa mukha, hindi ko man kaya kasi baka magtingin, eh sinimple ko na lang dito sa baba. Sana may kalyo ka para mag aruy-aruy ka,” pabirong pahayag ni Pres. Duterte.



Hindi nabanggit ni Duterte ang pangalan ni De Leon nang ipahayag niya ang tungkol sa isang opisyal ng DBM na sisibakin nito noong speech ng Pangulo, Oktubre 19 sa diumano'y katiwalian.

“There were 3 employees in my office, influence-peddling. This one was tinkering with the money, I told you stop. S-T-O-P,” sinabi niya sa isang talumpati sa isang event sa Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Manila.

Gayunpaman, kinumpirma ni Kalihim Benjamin Diokno na si De Leon ang opisyal na tinutukoy ni Pres. Duterte.

Si De Leon, isang abogado, ay nagtatrabaho sa law firm na pagmamay-ari ng Medialdea at Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra matapos ipasa ang mga exam sa bar noong 1992.

Source: politics.com.ph