Atty. Chong, ipinaliwanag ang pag-expose laban sa Espina Family ng Biliran at ang connection nito sa Mining - News Spy


Atty. Chong, ipinaliwanag ang pag-expose laban sa Espina Family ng Biliran at ang connection nito sa Mining



Atty. Glenn Chong and The Biliran Gold Project, photo compiled from Facebook
Dating Congressman ng Biliran at beteranong abogado ng mga Marcos,ipinaliwanag ni Atty. Glenn Chong ang mga dahilan kung bakit nalantad niya ang mga pinaghihinalaang koneksyon ng Espina Family sa Biliran sa mga industriya ng pagmimina sa probinsya at ang pagkawasak na dinala ng bagyong Urduja.

Ayon kay Atty. Glenn Chong, ang depensa ng Espina Family ng Biliran na nagpapabagsak sa kanya bilang oportunista para sa kanyang pag-expose ng pagmimina ng Biliran at sinasabing sinamantala ang trahedya para sa pulitikal na mga nadagdag ay puro kasinungalingan.



Ipinaalala ng beterano na abogado ang kanyang mga tagasunod sa social media na hindi niya sinasamantala ang sitwasyon sa Biliran kundi ginagawa lamang niya kung ano ang tama para sa mga tao ng lalawigan sa pamamagitan ng paglalantad sa pinaghihinalaang koneksyon sa pagitan ng Espina Family at mga aktibidad sa pagmimina sa Biliran na ay itinuturing na isa sa mga dahilan kung bakit naganap ang trahedya sa lalawigan ng isla.

Sinabi rin ni Atty. Chong ang kuwento tungkol kay Hesukristo noong panahon na sinakop at pinangasiwaan ng mga Romano ang Israel na sinubukang patnubayan ang mga tao ng Israel laban sa malupit na panuntunan ng invading Roman Empire.

Narito ang kumpletong paliwanag ni Atty. Glenn Chong:

HINDI PAGSASAMANTALA ANG PAGSIWALAT NG KATOTOHANAN



Ang depensa ng pamilya Espina sa Biliran ay classic example raw ako ng isang oportunista dahil sa pagsisiwalat sa isyu ng mina sa Biliran ay sinamantala ko raw ang nangyaring trahedya ngayon.

Mahigit-kumulang 60 taon bago isinilang si Hesus, sinakop ng Roman Empire ang Palestine, ang lugar ni Hesus. Halos lahat ng Jews sa Palestine ay nagpopoot sa galit sa mga Romans dahil sa kanilang mahigpit na pamamalakad (ironfisted rule), mabigat na pagbubuwis at dahil sa kanilang idolatrous religion dahil nga pagano ang mga Romans. Biglang pumasok si Hesus sa eksena kung saan tinuligsa niya ang iilang mga mayayaman at makapangyarihan habang nagpapahayag ng biyaya sa mga mahihirap at mga nasa laylayan. (National Geographic, December 2017, Page 46)

Hindi oportunista si Hesus. Ito ang kalamidad sa Palestine na kanyang nadatnan ng siya ay dumating sa mundo. Kung kinalaban man niya ang mga mayayaman at makapangyarihan sa kanyang lugar, ginawa niya ito dahil ito ang tama regardless ng kapanahunan. Kaya kung sinuman ang magsisiwalat ng katotohanan, kahit pa sa kalagitnaan ng kalamidad, hindi pagsasamantala ito. Ginaya lang natin ang ginawa ni Kristo.

Hindi ko sinasamantala ang pangyayari sa Biliran ngayon dahil hindi naman ako tatakbong muli. Ilang beses ko nang sinabi sa radyo, TV at dito sa social media na habang Smartmatic ang magpapatakbo ng halalan natin, hindi ako tatakbo dahil wala talaga akong tiwala sa Smartmatic. Kitang-kita ko ang mga ebidensiya ng dayaan at manipulasyon noon pang 2010 hanggang 2016. Inamin na rin ng Comelec sa Senate hearing noong March 23, 2012 na “tanging dayaan lang ang makakapagpaliwanag sa nangyari sa Biliran” noong 2010. Naka-enroll ang aking kalaban sa sindikatong ito kaya wala akong kalaban-laban. Kung tatakbo ako sa ilalim ng Smartmatic, sobrang gago ko na talaga. Dahil hindi ako tatakbo, wala akong mapapala kung sasamantalahin ko ang trahedyang ito.



Malinaw na paninira lamang ang depensa ng pamilya Espina dahil wala talaga silang lusot sa isyu ng mina sa Biliran.

Sa Picture No. 1, makikita natin ang website ng Solfotara Mining Corporation tungkol sa kanilang Biliran Gold-Sulphur Project. Ang saklaw ng project na ito ay 12,418 hectares o 124 square kilometers. Ibig sabihin ay saklaw ng kanilang mining project ang halos ¼ ng buong probinsiya dahil 55,540 hectares o 555 square kilometers lang ang buong isla ng Biliran.
Solfotara Mining Corporation, photo from Facebook



Sa Picture No. 2, makikita natin ang mapa ng Solfotara Mining Corporation kung saang bahagi ng Biliran ang kanilang 12,418 hectares na mining project. Ang nakalinyang mga lugar ay nasa bayan ng Caibiran at Naval kung saan marami ang namatay at napinsala. Kung i-superimpose natin ang mapang ito sa Picture No. 3 ng Google Earth, ang mga nakalbong mga bundok (Site 1, Site 2, Site 3, Site 4, Site 5 at Site 6) ay nasa loob ng mapang ito ng Solfotara.
Site 1 to 6 and Site 7 of Biliran Mining, photo from Facebook

Ang Picture No. 4 naman ay Site 7 na malapit sa Naval. Ito ay nasa loob ng rectangle sa mapa ng Solfotara.
Site 7 Mining in Biliran, photo from Facebook

Pitong malalaking bahagi ng kagubatan na malapit lamang sa isa’t-isa ang kinalbo at nawalan ng mga kahoy. Kaya wala ng pumigil sa tubig-ulan. Maaring mangyari lamang ito kung pahihitulutan ng Provincial Government. Ito nga ang kasalanan ni Rogelio Espina.

Source: Atty Glenn Chong FB page