Stategy ni Pangulong Duterte sa telco industry, pinuri ni Sen. Bam Aquino pero…. - News Spy


Stategy ni Pangulong Duterte sa telco industry, pinuri ni Sen. Bam Aquino pero….



Senador Bam Aquino and President Rodrigo Duterte, photo from politics.com.ph
Isang napakabihirang sandali, pinuri ni Senador Bam Aquino ang isang move ni Pangulong Rodrigo Duterte upang hikayatin ang kumpetisyon sa industriya ng telekomunikasyon sa bansa.

Gayunpaman, sinabi ng oposisyon na Senador na hindi dapat limitahan ng Pangulo ang kumpetisyon sa mga manlalaro mula sa China lamang.



Sa isang pahayag, na sinabi ni Aquino: “Natutuwa tayo sa pagkilala ng Pangulo na kailangan nating pagandahin ang ating sektor ng telekomunikasyon sa pamamagitan ng kumpetisyon, subalit hindi tayo dapat malimita sa isang bansa lamang.”

 “Kung ang maliit na bansa gaya ng Singapore ay mayroong anim na players sa telco sector, dapat maging ganito rin kasigla ang kumpetisyon sa ating bansa,” idinagdag pa nito.

Ipinaliwanag ni Aquino na ang ilang mga kompanya ng telecom mula sa Japan at Korea ay nagpahayag din ng kanilang interes na pasukin din ang telecom market dito sa Pilipinas.



“Gawin nating madali para sa mga kumpanyang ito na makapasok sa merkado at tanggalin na ang red tape upang mapaganda ang serbisyo ng internet at bumaba ang presyo nito para sa mga Pilipino,” ayon kay Aquino.

Sa isang press briefing noong Lunes, sinabi ng Presidential Spokesperson na si Harry Roque na inimbitahan ni Pangulong Duterte ang Tsina na maging ikatlong carrier ng telco sa bansa na tiyak na magtatapos sa “telecommunications duopoly in the country” dahil inaasahang makikipagkumpitensya sa mga telco giants, Smart Communications at Globe Telecom.

“During the bilateral talks between President Duterte and the Chinese Premier, President Duterte offered to the People’s Republic of China the privilege to operate the third telecom’s carrier in the country,” pahayag ni Roque.