Russia tutulungan ang Duterte Admin sa pag-reconstruct ng Luzon Northern Railway Network - News Spy


Russia tutulungan ang Duterte Admin sa pag-reconstruct ng Luzon Northern Railway Network



President Rodrigo Duterte and Russian President Vladimir Putin
Ipinangako ng Russian government na tulungan ang administrasyon ni Pangulong Rody Duterte sa muling pagtatayo at rehabilitasyon ng Luzon Northern Railway Network na kumokonekta sa Metro Manila sa mga lalawigan ng Tarlac, La Union at Cagayan.

Ilang araw pagkatapos ng bilateral talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng mga kinatawan ng Russia na kanilang tinalakay tungkol sa direct flights sa pagitan ng Manila-Moscow at ang pagtatatag o rehabilitasyon ng Northern Luzon Railway Corridor na dumadaan sa ruta ng Manila-Tuguegarao.



Ang Department of Transportation (DOTr) ay nagpahayag na may posibilidad na ang pamahalaang Russia ay tutulong sa pagtatayo ng nasabing proyekto o tutustusan ang Luzon Northern Railway Project dahil ang gobyerno ng Hapon ay pinondohan ang Manila-Clark Railway Line.
Manila-Clark Railway Line, photo from Philippines Lifestyle News


Ang Japanese government ay nangangakong magkakaloob ng P316 bilyon para sa pagtatayo ng proyekto ng Manila-Clark Railway at ang Duterte admin ay may plano na pahabain ang nasabing proyekto hanggang sa Tuguegarao City.

Ang posibilidad ng financing ng Russia sa Luzon Northern Railway Network ay pinupush na ng administrasyon at sisiguraduhin na gagawin ng administrasyon ang nasabing proyekto sa ilalim ng termino ng unang Pangulo mula sa Mindanao na si Pres. Duterte.

Source: philnews.xyz