“Possible sabotage ain’t an excuse for MRT mishap”, pahayag ni Pres. Duterte na dapat isaalang-alang ng DOTr - News Spy


“Possible sabotage ain’t an excuse for MRT mishap”, pahayag ni Pres. Duterte na dapat isaalang-alang ng DOTr



President Rodrigo Duterte and MRT-3, photo compiled from Google
Ang Kalihim ng Transportasyon Arthur Tugade ay dapat maghanda ng ilang mga notes mula kay Pangulong Rodrigo Duterte kung paano haharapin ang madalas na pagkasira ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Inalam ni Pangulong Duterte noong Sabado (Nobyembre 18) ang posibilidad na sabotahe sa uncoupling ng dalawang coaches ng MRT sa pagitan ng mga istasyon ng Ayala at Buendia. Gayunpaman, sinabi niya na hindi ito excuses para sa nangyari.



“It would indicate sabotage or something did it intentionally. So maybe the connecting mechanisms there or equipment seems to be — hindi nila makita or it’s not there when it’s supposed to be there,” sinabi niya sa mga reporters sa Davao City.

“Well, that is one angle that they are trying to… But this does not — this is not an excuse actually. We offer no excuse, but apologies maybe to the public for the inconvenience caused,” idinagdag pa ni Pangulong Duterte.



Pinaghihinalaan ng Kagawaran ng Transportasyon ang pag-detach ng mga coach noong Nobyembre 16 ay isang pagsabotahe dahil hindi nakita ang black box ng tren.

Sinabi ni Tugade na ang pagpapatakbo ng MRT-3 ay magpapatuloy sa kabila ng insidente habang ang technical team ng tren ay nakatitiyak na ligtas itong sakyan.

Sinabi ng DOTr na naka-tapped na rin ang National Bureau of Investigation upang siyasatin ang decocupling ng train coaches.

Source: politics.com.ph