“Mas pinili namin magutom, kumain lang ang mga kapatid naming raliyista”, pahayag ng isang pulis sa kanyang Facebook account na nag-viral - News Spy


“Mas pinili namin magutom, kumain lang ang mga kapatid naming raliyista”, pahayag ng isang pulis sa kanyang Facebook account na nag-viral



Protesters and police facing off in Manila, photo from natoreyes.wordpress.com
Kamakailan lamang ng dinumog ng mga raliyesta ang Manila dahil sa pagprotesta ng mga ito sa ASEAN 2017, Nobyembre 9 hanggang 14. Libu-libong pulis ang dinoply ng gobyerno para lang mapanatili ang hindi marahas na pagkilos ng mga raliyesta.

Ngunit ang karahasan ay minarkahan ang alon ng mga kilos-protesta habang ang mga pulis ay nananatiling napigilan na kontrolin ang mga pagapakilos.



Nagprotesta ang mga grupo dahil sa mga isyu na kabilang ang mga ekstrahudisyal na pamamaslang at paglabag sa mga karapatang pantao na nauugnay sa digmaan ng administrasyong Duterte sa mga droga, "extravagant hosting" ng Summit ng pamahalaan, ang pagbisita ni Pangulong Donald Trump sa bansa, paggamit ng fossil fuels, at iba pang mga isyu.

Sa kabila nito, nagawa pa rin ng mga kapulisan na gumawa ng mga bagay na makakatulong sa mga raliyesta.

Tulad na lamang ng pinost ng isang police sa kanyang Facebook account, na nagngangalang Tata Carding Donato.

Pinost nya ang mga larawan na binibigyan ng mga kapulisan ng pagkain ang mga gutom na raliyesta na lubos namang kinasaya ng ibang mga protesters.

Binanggit din niya sa kanyang post na pinili ng mga kapulisan ang magutom para lang mapakain ang mga raliyesta.



Narito ang kabuuang post ng nasabing pulis sa kanyang Facebook account, kabilang na rin ang mga larawan:

“Mas pinili namin magutom kumain lang ang mga kapatid naming raliyista salamat sa mga nag sakripisyo ng gutom para makakain ang iba nating kapatid #PNP #PULISNGPANGINOON #PULISNGPILIPINO#REPORMPULISNGCALOOCAN”



Source: Tata Carding Donato