Jay Sonza, ibinahagi ang isang brilyanteng sagot sa radio tungkol sa bagong spokesperson Harry Roque - News Spy


Jay Sonza, ibinahagi ang isang brilyanteng sagot sa radio tungkol sa bagong spokesperson Harry Roque



Jay Sonza and Rep. Harry Roque, photo compiled from Google
Ang dating mamahayag ng GMA News na si Jay Sonza ay nagbahagi sa kanyang pinakahuling post sa Facebook kung paano niya sinagot ang mga katanungan sa interbyu na inihagis sa kanya ng ilang mga beteranong istasyon ng radyo tungkol sa papasok ng tagapagsalita ng Pangulo at dating Representative, Harry Roque.

Ayon kay Jay Sonza, tumanggap siya ng tawag mula sa senior legislative reporter na si Ed Sarto ng Capitol Broadcasting - dzME (1540KHzAM) at reporter na si Benny Abante. Tinanong siya tungkol sa appointment ni Atty. Harry Roque bilang bagong presidential spokesperson.



Ang beteranong TV host at mamahayag ay nagpaliwanag sa panayam sa radyo na si Rep. Harry Roque ay pinili ni President Rodrigo Duterte, marahil dahil sa kanyang malawak na karanasan bilang isang abugado sa paglilitis, ang parehong kwalipikasyon ni Pres. Duterte.

Nang tanungin kung magiging epektibo si Roque, sumagot si Sonza na ang papasok na tagapagsalita ay hindi isang newbie sa pagharap sa mga reporters, bukod sa mga kaibigan niya sa media, tinutulungan niya ang maraming mediamen bilang isang practicing lawyer.

Narito ang kabuuang pahayag ni Jay Sonza sa kanyang Facebook account:

"the 1530 interview: on the incoming spox

Kahapon ng umaga, tumanggap ako ng tawag mula sa sr. legislative reporter ed sarto ng capitol broadcasting - dzme (1530kHzAM) at rep. benny abante. Tinanong nila ako tungkol sa pagkakatalaga kay atty. harry roque bilang incoming presidential spokesman.

dzme: ano bang meron kay harry at bakit siya kinuha ng pangulo bilang kanyang tagapagsalita?
sonza: si mr. roque aY isang batikang abogado (litigation lawyer) tulad ng pangulo. mahusay siyang magsalita mapa-english man o Pilipino. animated siyang magkuwento.



dzme: do you think he will effective?
sonza: hindi siya bagito sa pagharap sa media. katunayan, marami siyang kaibigang mamahayag. marami siyang mediamen na tinulungan bilang abogado. siya nga ang abogado ng pamilya ng 49 na newsmen na pinaslang sa ampatuan massacre.

dzme: hindi ba asiwa na isa siyang human rights advocate, tapos aY gagawin siyang spokesman ng pinararatangang human rights violator?
sonza: hindi po. marami kasi ang hindi nakakaalam sa labas ng Mindanao, Lalo na sa labas ng Davao region, na si Mr. duterte ang naging takbuhan ng mga human rights victims noong siya aY practicing lawyer hanggang sa naging fiscal. before joining politics and up to now, Mr. Duterte is a staunch human rights advocate. Patunay dito si cabinet secretary jun evasco na nakulong dahil sa kanyang pagiging aktibista noong martial law regime. si ginoong duterte ang gumawa ng paraan para siya makalaya. so, they speak the same language.

dzme: kung siya aY spox lang, bakit may cabinet rank siya bilang kalihim, samatalang halos lahat ng naging spox aY usec lang ang ranggo?
sonza: iyan ang hindi ko masasagot. si president lamang ang makakasagot niyan. pero ang aking sapantaha, dahil binigyan siya ng ranggong kalihim, marahil mayroon pa siyang ibang partisipasyon sa Duterte administration. let us wait for his official appointment papers to come out from the office of the executive secretary. I don't want to speculate on this issue.



dzme: napansin namin na medyo mahina ang ilang mga appointees ng pangulo. kung kukunin ka ng president na maging bahagi ka ng kanyang administrasyon, tatanggapin mo ba?
sonza: malakas ang economic team ng pangulo. mahuhusay ang mga kalihim ng finance, trade at national economic development. mahusay din si many pinol ng agriculture and fisheries at art tugade ng transportation at mark villar ng public works and highways. iyong iba should play catch up. otherwise the president will do well by replacing them.

dzme: kung sabihin ng president na kailangan kita jay?
sonza: as you know I am retired but not tired. I will have to contemplate on that very very deeply. masarap ang simpleng buhay sa nayon, walang stress, walang trapik, walang amo. puwede bang magtanong sa iyo: can you say no to the president of the republic?

dzme: salamat po mr. sonza sa oras ninyo.
sonza: magandang araw po at pagpalain nawa kayo ng Poon."

Source: Jay Sonza