Japanese Government, nag-donate ng 100 Patrol Vehicles para sa PNP na nagkakahalaga ng P225.6 Million - News Spy


Japanese Government, nag-donate ng 100 Patrol Vehicles para sa PNP na nagkakahalaga ng P225.6 Million



100 Patrol Vehicles donated by Japanese Government for PNP, photo from philnews.xyz
Ipinakita ng gobyerno ng Japan kung paano nila pinangangalagaan ang Pilipinas lalo na ang Philippine National Police nang i-turned over nila ang 100 Patrol Vehicles sa PNP noong Nobyembre 29, 2017.

Isang kabuuang 40 brand new na Mitsubishi Montero SUVs ang naka-park sa harap ng PNP National Headquarters Building sa Camp Crame. Ang mga donasyon mula sa Japan ay tinanggap ng PNP Chief Director General na si Ronald "Bato" Dela Rosa.



Ang mga modernong sasakyan mula sa pamahalaang Japan ay bahagi ng 87 SUVs, at 13 na mga van na ipapamahagi sa buong Pilipinas ayon sa pahayag na inilabas ni Gen. Bato Dela Rosa.

Bukod sa modernong mga sasakyan at SUVs mula sa Japan, ang gobyerno ng Hapon ay nag-donate ng 6 bomb suits, 6 ballistic shield, at 440 pares ng bullet-proof helmets at vests.

Ang donasyon mula sa pamahalaan ng Japan sa administrasyon ni Pres. Rody Duterte ay nagkakahalaga ng *¥500 million (P225.6 million).

Sinabi ng Ambassador ng Hapon sa Pilipinas na si Koji Haneda sa turnover ceremony na inaasahan ng Japan na ang donasyon ay tutulong na palakasin ang bilateral na kooperasyon laban sa terorismo at “violent extremism.”



Idinagdag ni Ambassador Haneda na ang donasyon ay kumakatawan sa kung ano ang inilarawan ni Pangulong Rodigo Duterte bilang "golden age" ng relasyon sa Pilipinas at Japan.

Bilang tugon, sinabi ni Dela Rosa na, “We assure the government of Japan that this will help serve the Filipino people, also the foreign nationals who visit our country.”

Ang modernong mga sasakyan na donasyon ng gobyerno ng Japan ay itinuturing ng ilang mga netizens bilang sampal sa harap ng dating DILG Secretary Mar Roxas na naging instrumento para sa pagbili ng sobrang presyo ng mga sasakyan sa Kia Enforcer na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso at mas mataas pa ang halaga kumpara sa kasalukuyan presyo ng Mitsubishi Montero na idineklara ng Japan sa PNP.

Source: philnews.xyz