


![]() |
President Rodrigo Duterte and Joma Sison, photo from Philnews |
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kanyang dating propesor na si Jose
Maria Sison ay makaranas ng pasakit na hindi na makakabalik sa bansa na
itinuturing niyang labanan.
Sa kanyang pagsasalita sa alumni homecoming ng San Beda College of Law noong Biyernes (Nobyembre 24), sinabi ni Duterte na magbibigay siya ng order na arestuhin si Sison kung ito ay magpasiya na bumalik sa Pilipinas.
“If Joma Sison comes here, I will arrest him or if I were
him, ‘wag na siyang bumalik dito,” pahayag ni Pangulong Duterte.
Idinagdag pa nito na, “Better still, I will not allow him to
enter his native land and that is a very painful experience, especially if
you’re dying and you think na you should be buried in your own cemetery, in
your own town,”.
Si Sison, ang tagapagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP), ay nakabase sa Netherlands mula noong 1987 bilang isang political refugee.
Inihayag ni Pangulong Duterte na aarestuhin si Sison
pagkatapos mag-sign ng isang proklamasyon na nagtatapos sa mga usapang
pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno at ng CPP-National Democratic Front-New
People’s Army.
Kasunod ng pormal na pagtatapos ng usapang pangkapayapaan, tinawag ni Sison si
Duterte na " number 1 terrorist in the Philippines" sa isang pahayag.
Source: politics.com.ph