Sotto kilala na ang 5 blogger sa likod ng mga anti-Duterte blogs: “Meron na. Hina-hunting na sila.” - News Spy


Sotto kilala na ang 5 blogger sa likod ng mga anti-Duterte blogs: “Meron na. Hina-hunting na sila.”



Cocoy Dayao and Senator Tito Sotto, photo compiled from Google
Sinabi ni Senate Majority Leader Vicente "Tito" Sotto III na nakilala na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang hindi bababa sa limang tao na sangkot sa fake news na pumupuna sa kanya at sa anim na iba pang miyembro ng Senado.

Ang nasabing artikulo na pinamagatang "Seven Deadly Sens" ay inilathala sa mga site ng anti-Duterte blog na SilentNoMore Ph at Pinoy Ako Blog ay nagsabing sina Senator Sotto, Koko Pimentel, Dick Gordon, Manny Pacquiao, Migs Zubiri, Gringo Honasan, at Cynthia Villar ay hindi pumirma sa Senado ukol sa pagtawag ng resolusyon upang ihinto ang mga extrajudicial killings ng mga menor de edad sa bansa.



Sa isang interview sa DWIZ, sinabi ni Sotto, “Meron na. Hina-hunting na sila. Kasi ang balita namin `yung isa nag abroad bigla (There is a report already. They are being hunted down. We learned that one of them suddenly went abroad).”

“Duon mo makikita e, sign of guilt. Alam na nu’ng NBI. At meron na rin akong kaso na naka prepare (You can see that it is a sign of guilt. The NBI knows already. And I have prepared a case already),” dagdag pa ni Sen. Sotto.

Kahit na nakumpirma na, na ang NBI ay pinaghahanap na si Cocoy Dayao, ang author ng SNM, tumanggi si Sotto na pangalanan ang apat na iba pa. “Huwag na muna ‘yung iba (Let’s not identify the others yet).”



Si Dayao ay ang tagapangasiwa ng nabanggit na mga site ng blog batay sa pagbubunyag ng pro-Duterte blogger na si RJ Nieto a.k.a Thinking Pinoy. Inanyayahan ni Senator Grace Poe si Dayao sa pagdinig sa komite ng Senado sa fake news ngunit hindi ito dumalo.

Nais ni Pacquiao at Villar na ipaliwanag ni Dayao kung bakit tinawag niya ang mga pangalan ng mga Senators sa kanyang post, na nagdulot ito ng pagkasira ng reputasyon ng mga senador.

Sinabi ni Sotto na ang limang mga blogger ay tumatanggap ng "feeds" mula sa ilang mga grupo upang salakayin ang isang partikular na tao.

Pinuri din ng Senador ang talino at kasanayan ni Nieto sa pagkilala sa mga salarin, “Traceable naman lahat ‘yun e. Magaling `yung si Thinking Pinoy ha. Maraming natutunan ang NBI sa kanya (These can all be traced. Thinking Pinoy is quite good. The NBI was able to learn a lot from him).”

Source: politics.com.ph