Senator Chiz Escudero, may paalala sa mga kritiko ni Pangulong Duterte - News Spy


Senator Chiz Escudero, may paalala sa mga kritiko ni Pangulong Duterte



Senator Francis "Chiz" Escudero, photo from NetCitizen
Si Senador Francis "Chiz" Escudero ay may ipinaalala sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang bagay na hindi nila dapat kalimutan.

Sa isang briefing ng media, sinabi ni Escudero na ang impeachment laban sa Ombudsman at punong mahistrado ng Korte Suprema ay pareho lamang sa kung ano ang nangyari sa nakaraang administrasyon sa ilalim ni dating Pangulong Noy-Noy Aquino.



“Doon sa nagsasabi na papunta na sa isang diktadurya si Pangulong Duterte dahil ginagawa niya sa Ombudsman at sa Chief Justice, again, baliktanawan natin ang ating kasaysayan, hindi ba’t ganyan eksakto din ang ginawa ng nakaraang administrasyon?” sinabi ni Senator Escudero.

“Tinakot ng impeachment ang dating Ombudsman, nag-resign na lang. In-impeach ang naka-upong chief justice, na-impeach,” dagdag pa nito.

Ipinaliwanag ng Senador na sa parehong insidente sa panahon ng administrasyong Aquino, walang sinumang naiugnay sa nakaraang Pangulo bilang maging isang diktador.

“Halos kung titignan niyo, parallel, pareho, parang kino-kopya yung sa nangyari sa ating kasaysayan na wala namang ganoong alegasyon tulad ng mga alegasyon ngayon na binabato sa administrasyon,” paliwanag ni Escudero.



Tinutukoy ni Senador Escudero ang dating Ombudsman Merceditas Guttierez na nagbitiw sa kanyang pwesto, sampung araw bago ang iskedyul na simulan ang Senate trial.

Tinutukoy din niya ang yumaong dating Chief Justice Renato Corona na nahatulan ng impeachment tribunal dahil sa kanyang kabiguang ibunyag ang lahat ng kayamanan sa kanyang statement of assets, liabilities, and net worth (SALN).

Inihambing din ni Escudero ang mga miyembro ng Senado na ipinadala sa bilangguan. Ang mga dating senador na sina Juan Ponce Enrile, Ramon "Bong" Revilla, Jr., at Jinggoy Estrada ay nakulong para sa mga pork barrel charges sa administrasyon ni Aquino habang kasalukuyang nakadetained si Senator Leila De Lima sa PNP Custodial Center para sa mga drug charges.

“Mahirap magreklamo lalo na yung mga bahagi noong nakaraang administrasyon, lalo na ginawa din nila noong panahon nila yun,” pahayag ni Escudero.

Kamakailan lamang, ang isa sa mga oposisyon na si Senador Kiko Pangilinan ay nagbabala na ang reklamong impeachment laban kay Sereno ay nagbabala na ang bansa ay papunta sa dictatorship.

Source: netcitizen.co