Pangulong Duterte, nagbigay ng kanyang respeto sa libing ni Archbishop Vidal - News Spy


Pangulong Duterte, nagbigay ng kanyang respeto sa libing ni Archbishop Vidal



President Rodrigo Roa Duterte pays his last respects to the late former Archbishop of Cebu Ricardo Vidal, photo from canadianinquirer.net
Nagpahayag ng simpatya si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Cebuanos at mga miyembro ng religious community noong umaga ng Lunes, Oktubre 23, nang dumalaw siya sa burol ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.

“I’m here to condole with you all,” sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang pagsasalita sa Cebu Metropolitan Cathedral.



Mula sa MassKara Festival sa Bacolod, ang Pangulo ay dumating sa Cebu ng hatinggabi upang bumisita at magbigay respeto sa burol ni Vidal.

Ang leader ng bansa ay nagbigay papuri kay Vidal, na nagsilbi bilang Archbishop ng Cebu sa loob ng 29 na taon.

“Our Eminence Cardinal Vidal was a person of peace and his language was always something about spreading love,” pahayag ni Pangulong Duterte.

“In the years that he led the Church, you can never say anything bad about His Eminence. And I’m most grateful for these conciliatory words,” dagdag pa nito.

Sinabi niya na naniniwala siya na ang kanyang huling respeto kay Vidal ay bahagi ng kanyang obligasyon bilang miyembro ng simbahang Katoliko at bilang isang Cebuano. Ang ama ni Duterte ay nagmula sa Danao City.



Idinagdag niya na gusto niyang bigyan ng "due importance" ang pagkamatay ni Vidal, na ginugol ang kanyang buhay sa pagtataguyod ng kapayapaan at pakikipagkasundo sa bansa.

Upang igalang ang makabuluhang kontribusyon ni Vidal sa bansa, sinabi ng Pangulo na pipirma siya ng executive order na nagdedeklara sa Oktubre 26, araw ng libing ni Vidal, bilang isang holiday sa Cebu.

Ito ay magpapahintulot sa mga Cebuanos na magbigay galang sa libing ni Vidal.

“I’ll sign the Executive Order declaring a holiday here in Cebu on the day of the burial of His Eminence,” pahayag ni Duterte sa kanyang speech.

Namatay si Cardinal Vidal sa edad na 86 noong Oktubre 18 dahil sa mga komplikasyon mula sa pneumonia.

Source: canadianinquirer.net