Mga branded na sasakyan mas mababa na ang presyo kaysa sa bagong Smartphone - News Spy


Mga branded na sasakyan mas mababa na ang presyo kaysa sa bagong Smartphone



Iphone X and Susuki Celerio, photo from news247online.us
Ang mga buwanang kontrata ng Smartphone ay tumataas na ngayon ang presyo, pero alam nyo ba na maaari mong bayaran ang isang bagong kotse nang mas kaunti kaysa sa mga smartphones, ayon sa isang pag-aaral ng automotive analyst na Sophus3.

Ang bagong iPhone 8 ay nailabas na at nagkakahalaga ng hanggang sa £87 o P5,290 sa isang buwan. Sa bagong iPhone X na ito, higit pa itong tataas ang presyo kapag ito ay umabot sa merkado ngayong Nobyembre.



Ngunit maaari mong makuha sa iyong mga kamay ang isang Suzuki Celerio sa halagang  £79 o P4,802 sa isang buwan.

Ang mga analyst ay naniniwalang ngayon na " Europe has seen its first car cheaper than a phone".

Mayroon ding paniniwala na makakakita pa tayo ng higit pang mga deal tulad nito bago ang katapusan ng taon habang ang mga finance providers ay nagkokompetensya upang matugunan ang mga target.

Ayon kay Scott Gairns, Sophus3 MD,“This new benchmark in car finance is fuelled by increasingly competitive monthly finance rates, from a growing list of rival finance providers, and the challenge to hit year-end sales targets.”



“I would not be surprised to see more cars offered on payment terms below that of mobiles before the end of the year”, dagdag pa nito.

Hinahamon ng Sophus3 MD ang mga gumagawa ng kotse na pagbutihan pa ang kanilang mga produkto bilang tugon sa mga customer na maaaring matukso ng naturang mga presyo.

Napakarami na ngayong mga buyers ng smartphone na bumibili sa pamamagitan ng online contract.

“At less than £100 per month even more car buyers will be tempted today to buy digitally.”, pahayag ni Scott.

Idinagdag pa nito, “But are the car brands ready to engage and transact online with customers in the style of a Vodafone or a Carphone Warehouse?”



Kaya ang kumpanya ay may isasagawa na isang pagpupulong sa Paris upang tumingin sa kung gaano kahusay ang ihahanda ng mga gumagawa ng kotse upang mapapayag ang mga mamimili na bumili.

Ang ilang mga brands, tulad ng Volvo, ay tumugon na dito. Ang bagong XC40 ay maaaring ma-leased in contract sa parehong paraan ng pag-sign up para sa isang bagong smartphone.

“Brands need to become more pragmatic in how they present finance online.”

Sinasabi dito na ang bagong Susuki Celerio ay maaaring mapasaiyo sa mababang halaga kaysa sa presyo ng bagong smartphone na Apple at tiyak na isang paraan upang pasukin ang finance online.

Source: msn.com