


President Rodrigo Duterte, photo from scmp.com |
Sa isang pakikipanayam na ipinalabas sa PTV-4 noong Biyernes (Oktubre 15), sinabi ni Duterte na ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa ibang tao.
“Hindi rin ako nagtatanggap kasi ayaw ko nga magkaroon ng utang na loob. Mahirap kasi ‘yan kasi matagal akong mayor. Kung meron talagang magkaproblema diyan, lalo na ‘yung Presidente na ngayon, Hesus maryosep,” pahayag ng Pangulo.
“Anong sabihin ko sa tao? Saan ko kinuha ‘yung pera?” dagdag pa nito.
Bagamat hindi ibinunyag ni Duterte ang magnanimous na taong nag-alok sa kanya ng jet plane, sinabi niya na sinabihan niya ito na mas gugustuhin niyang magbayad sa isang chartered plane tuwing siya ay babyahe.
“Eh sabi ko, ‘Gusto ninyo, i-parking niyo diyan sa mga charter-charter plane, magbayad ako.’ May resibo,” ayon kay Pangulong Duterte.
Sa isang pahayag sa Davao City noong Mayo, sinabi ni Duterte na inalok siya ng bilyonaryong si Ramon Ang na bilhan siya ng isang pribadong jet dahil hindi ito ligtas na kumuha ng mga komersyal na flight para sa kanyang madalas na paglalakbay.
Source: politics.com.ph