


![]() |
Tsianina Levounne Amberly Reese Heather Margaret Barcelona Mendoza photo, courtesy from Facebook |
Kilalanin ang isang babaeng may napakahabang pangalan at tumalo kay Uvuvwevwevwe Onyetenyevwe Ugwemubwem Ossas!
Siya ay si Tsianina Levounne Amberly Reese Heather Margaret Barcelona Mendoza na tubong Don Carlos, Bukidnon na ngayon ay nag-aaral sa Davao City.
Viral ngayon sa social media ang Senior High School student ng University of Mindanao matapos i-post ng isang guro ang kanyang school ID na nagpapatunay na siya ang may pinakamahabang pangalan sa kanilang paaralan.
Nag-iisa namang anak si Tsianina ng mag-asawang sina Rey Anthony Mendoza at Dzejla Austin Claire Mendoza.
Ayon pa kay Tsianina, ang kanyang ina ang nagbigay ng kanyang pangalan na ang bawat pangalan ay may mga kahulugan.
Ang Tsianina ay hango sa paboritong Hollywood Actress ng kanyang ina, ang Margaret ay nakuha sa pangalan ng isang Royal Princess.
Ang Reese naman ay nakuha mula sa paboritong chocolate ng kanyang ina at ang Levounne Amberly at Heather ay kinuha sa mga pangalang napanood ng kanyang ina mula sa mga kilalang mga pelikula.
Aminado naman si Tsianina na nahihirapan siyang isulat ang napakahabang pangalan kaya naman noong elementarya pa lamang siya at kung may pagsusulit ay Margaret na lamang ang kanyang isinusulat sa papel.
Ngunit noong nasa high school na siya, ang Tsianina naman ang kanyang ginamit.
Nasanay na rin s’ya sa kanyang pangalan at hindi niya inakalang ito pa ang magdadala sa kaniya ng kasikatan, ayon sa pahayag ni Tsianina.
Umabot na sa 1000 shares, 1.3k reactions at 333 comments ang post na nagviral.