Batang may sakit sa buto, pinagsasampal ng isang 35 taong gulang na lalaki - News Spy


Batang may sakit sa buto, pinagsasampal ng isang 35 taong gulang na lalaki



Mike Carlos and CCTV footage, photo compiled from GMA News
Isang 35 taong gulang na lalaki ang inakusahan matapos mahuli sa CCTV na sinampal ang isang bata na may sakit sa buto sa loob ng isang elevator sa condominium unit sa Cubao, Quezon City, ayon sa ulat ng GMA News reporter na si Ivan Mayrina sa 24 Oras noong Huwebes.

Sinabi ni Barangay Captain Marciano Buena-Agua ng Barangay E. Rodriguez na pinatawag niya ang lalaking si Mike Carlos sa kanyang tanggapan upang ipaliwanag kung bakit niya sinampal ng maraming beses ang 11-taong biktima noong Oktubre 15.



Si Carlos, isang residente sa gusali ng condominium, ay iniulat na sumang-ayon sa ina ng bata na magbayad para sa mga medikal na pangangailangan ng bata.

Ayon kay Barangay Captain Buena-Agua, "'Di ako kuntento dun sa nabasa ko. Madali lang magsabi na ipagamot 'yan, pero baka bukas o makalawa, 'di niya ginawa 'yun,"

Ang suspek ay nakitang sinampal ang bata sa CCTV footage isang beses bago lumabas papuntang sasakyan. At pagkatapos na pumasok sa elevator muli nitong binigyan nang dalawang mabibigat na sampal ang bata.

Ayon sa bata, anak ng isang laundrywoman na nagtratrabaho sa kondominyum, tinanong lamang niya kung ang elevator ay paibaba pero bigla na lang siyang sinampal ni Carlos.

"Umano na lang po ako, sumandal na lang po ako sa gilid ng elevator. Wala na po akong ginawa," ayon sa bata. "'Di ko po puwedeng salagin baka dagdagan pa niya."

Ipapasa ang insidente sa Violence Against Women and Children Unit ng Barangay E. Rodriguez.



Ang Quezon City Police District Station 7 Chief Superintendent Benjie Tremor ay nagsabi na ang pagsampal ni Carlos ay nangangahulugang pang-aabuso sa bata anuman ang dahilan nito.

"Ano na 'to ng child abuse, sa Republic Act 7610. Biro, sasampalin mo 11 years old lang. Nakita ko naman dun, wala namang rason para sampalin niya," ayon kay Chief Benjie Tremor.

"Kung nakulitan naman siya, hindi dapat ganun ang trato. Bata 'yan eh.", dagdag pa nito.

Sinabi ni Carlos na sinampal niya ang bata dahil pagod siya at naisip niya na ang bata ay sinasagot siya ng pabalang.

"It's what it is. And it's wrong, it's very wrong and I hope no one does the same thing. Before you do anything, think first.", pahayag ni Carlos.

Anu ang masasabi nyo sa kasong ito? Lagi natin sanang iispin muna kung mabuti ba ang gagawin natin o baka nakakasakit na tayo, lalong lao na sa mga bata.

Source: gmanetwork.com