


Sa isang ulat mula sa RMN News Cauayan, sinabi ng mga magulang ni Jenny Rose Jacinto na ang kanilang anak na babae ay nilagnat noong Lunes, Agosto 28. Pagkatapos ay dinala si Jenny Rose sa Isabela Provincial Hospital noong Martes ngunit siya ay namatay sa kalaunan. Inilibing siya ng kanyang mga magulang noong Biyernes, Setyembre 1.
Gayunpaman, hinukay ng mga magulang ang kanilang anak na babae pagkatapos silang sabihan ng kanilang kamag anak na si Jemma Jacinto De Villa, sa pamamagitan ng isang manggagamot o "albularyo", sinabi sa kanila na buhay pa si Jenny Rose. Sa kanilang sorpresa, nalaman nila na ang bangkay ni Jenny Rose ay nanatiling malambot at hindi pa naaagnas.
Habang ito ay nilalamayan ng pangalawang beses, Nakakuha naman ng larawan ang RMN News Team sa namuong mga dugo sa dulo ng daliri at paa ng bata
Ang mga magulang ay naniniwala na ito ay isang himala at umaasa sila na mabawi ang kanilang anak na patay na, ayon sa ulat.
Ang batang babae ay nagawang pang dumumi at umihi habang binabantayan ng kanyang mga magulang.
Sa huli, sa pangalawang pagkakataon ay inihatid sa huling hantungan ang bata sa sementeryo ng Canapi, San Isidro, Ilagan City bandang alas sais ng Setyembre 2, 2017.
Tingnan ang mga larawan:
![]() |
Photo from Cagayan Now |
![]() |
Photo from Cagayan Now |
![]() |
Photo from RMN News |
Source/s: RMN News, Cagayan Now