


![]() |
Comelec chair Andres Bautista, photo from Inquirer |
Ang paghain ng reklamo laban kay Bautista ay pangungunahan ng dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras.
Ayon sa dating Negros Oriental Rep. Jacinto “Jing” Paras, “ang Comelec ay isa sa mga baston ng ating demokrasya. Nagbibigay ito ng integridad sa mga opisyal na hinirang natin sa pamahalaan.”.
Sinabi din ng dating kongresista na ang mga di-umano'y mga dokumento na nagpapakita ng kayamanan ni Bautista ay may tiyak na antas ng katapatan.
Ang abogado ni Paras na si Atty. Manuelito Luna ay dinagdag rin na kabilang ang isyu sa nangyaring “Comeleaks” sa kanilang tutukuyin bilang grounds of impeachment.
Base sa resulta ng desisyon ng National Privacy Commission, si Bautista ay accountable sa mga nangyaring hacking ng COMELEC website, at dahil sa pagkukulang nito, nagkaaroon ng leakage ng voter’s database sa internet.
Ang nasabing kasong impeachment na ihahain kay Bautista ay nakatakda na ngayong Agosto 23 sa Kamara.
Source: DWIZ