


![]() |
Photo from The Summit Express |
Hinimok ng beteranong abogado na si Atty. Glenn Chong ang mamamayang Pilipino na kontrolin ang kanilang mga damdamin dahil sinasamantala ito ng mga kaaway, lalo na sa kaso ng 17-taong gulang na biktima na si Kian Lloyd Delos Santos.
Ayon sa beteranong abogado, wala tayo sa panahon ng insidente at hindi natin personal na nasaksihan ang tunay na nangyari sa biktima dahil ang mga pulis ay may sariling bersyon habang ang ilang mga saksi at ang pamilya ni Kian ay may sariling bersyon din.
Ipinaliwanag ni Atty. Chong na sa ngayon, mahirap na magpasya kung sino talaga ang nagsasabi ng katotohanan dahil ang mga pagsisiyasat ay patuloy pa ring isinasagawa ng mga awtoridad ng pulisya gayundin ang Commission on Human Rights (CHR).
Sinabi din ng abogado na ang mga emosyon ay hindi dapat mananaig sa pagsasakatuparan ng katarungan, at ang tunay na katibayan ay dapat mananaig upang makamit ang katarungan.
Narito ang kumpletong pahayag ni Atty. Glenn Chong:
“HUWAG MAGPADALA SA EMOSYON UPANG HINDI PAGSAMANTALAHAN NG KALABAN
Hindi natin alam kung ano ang totoong nangyari sa pagkamatay ni Kian Loyd delos Santos dahil wala tayo roon at hindi natin nasaksihan ito ng personal. May bersyon ang mga pulis sa pangyayari, meron namang ibang bersyon ang mga testigo at pamilya ni Kian. Sa ganitong sitwasyon, mahirap paniwalaan ang magkasalungat na mga salaysay ng bawat kampo.
Hindi dapat emosyon ang gamitin upang makamit ang hustisya. Ebidensiya lamang ang makapagbibigay ng paglilinaw at makakapagpalabas ng katotohanan. Kaya kailangang imbestigahan ito upang managot ang dapat managot.
Kung emosyon ang ating paiiralin, madali tayong pagsamantalahan ng mga pwersang gustong gamitin ang nakalulungkot na pangyayari para sa kanilang sariling agenda.
Tulad nitong rally ngayong araw na tinatawag nilang “Himagsikan para ka Kian.”
Kung ito ay panawagan ng hustisya para kay Kian, bakit kailangang gawin ang “himagsikang” ito sa People Power Monument at hindi doon o malapit sa kanilang lugar kung ito ay para nga kay Kian?
Kung ito ay panawagan ng hustiya para kay Kian, bakit kailangang gawin ang “himagsikang” ito sa araw ng ika-34 taon ng pagkamatay ni Ninoy Aquino at hindi sa ibang araw na walang karibal si Kian?
Bakit kailangang both space and time, dapat ay konektado ang “himagsikang” ito sa pangalang Aquino?
Hindi ba ito palatandaan na ang isyung ito ay pinagsasamantalahan na ng mga pwersang kalaban ng pamahalaan?
Kaya huwag tayong magpadala sa emosyon ngayon. Antayin ang imbestigasyon ng Senado. Pakinggan at tingnan ang ebidensiya. Saka pa tayo magporma ng ating opinyon.”
Source: Glenn Chong