Columnist and former ABS-CBN Senior Manager exposes facts about ISIS in PH - News Spy


Columnist and former ABS-CBN Senior Manager exposes facts about ISIS in PH



Columnist and former ABS-CBN Senior Manager shares facts about ISIS in PH
Winona Writer, former Senior Manager of ABS-CBN, shared the report of Jake J. Maderazo in a news column in Bandera about the Islamic State Situation in Mindanao.

In the said news report, Maderazo stated that the Southern Philippines has a very high threat of ISIS domination. Mindanao has many ‘ungoverned space’ with which they considered as the Philippines’ weakest point. Even Indonesia and Malaysia are bothered by the situation in Mindanao.



The ISIS Group were able to propagate their operation and there are reported increase of support and growing number of members.

According to Maderazo, there was also a new order coming from the ISIS in Rumiyah, which was published in the ISIS Journal to rob, murder and seize the properties of non-Muslim individuals to incapacitate the growth of Philippine economy and to intimidate the Philippine government.

Maderazo said that if the ISIS group was able to ‘caliphate’  Marawi, then the implementation of Martial Law is the best and only way to neutralize the extremist group. He added that if Indonesia, Malaysia and Australia are disturbed by the groups who causes chaotic and dreadful situation in Mindanao, how much more to those Filipinos who resides in Luzon and Visayas. The most scary part is that they will be able to penetrate Metro Manila and cause mess in NCR if this problem will not be resolved immediately.



Check out full report below:

Nitong Marso sa pulong ng 67 bansa sa "Global Coalition to counter ISIL” sa Washington DC, sinabi ni Australian Foreign Minister Julie Bishop ang matinding banta ng ISIS ‘caliphate’ sa Southern Philippines anumang oras . Ito’y magsisilbing pinto para atakihin ng ISIS ang Australia. Kabado rin ang Malaysia at Indonesia dahil ang Mindanao para sa kanila ang ‘weakest security link” kung saan napakalawak ng “ungoverned space” na taguan ng mga Indonesian at Malaysian terrorists. 

Noong June 2016, nirelease ng ISIS ang video na si Isnail Hapilon ang “amir” ng lahat ng kapanalig nito sa Southeast Asia. Kasama rito ang Abu Sayaff, Maute , at ‘Katibah al-Muhajir’ ng mga dayuhang taga-Malaysia at Indonesia. At nitong April 6, 2017 binuo ang “Jama’at al-Muhajirin wa al-Ansar bi al-Filibin” o (JMAF) ng ISIS at nag-ooperate sa Maguindanao, Cotabato at Davao sa pamumuno ng isang Esmail Abdulmalik alias Abu Turaifi. Ang layunin nila ay ideklarang ‘Wilayah al-Filibin’ at ‘Wilayah Asia Timur’ (Malay: East Asia Province) ang Mindanao upang magsilbing ISIS operations sa tinawag nitong ‘Sharq Asya’ (East Asia). 

Nitong Enero, sinabi ni AFP Chief of Staff Eduardo Año na nasugatan si Hapilon at napatay ang 15 terorista kasama ang Indonesian na si “Mohisen” sa air strikes sa Butig, Lanao del Sur.

At sa Marawi city nitong Martes, Mayo 23, magsisilbi ng Arrest warrant ang 50 sundalo at pulis kay Hapilon nang maka-engkwentro nila ang maraming terorista ng Maute. Kung susuriin, limang buwang nakatutok ang militar diyan sa Butig at sa kalapit na Marawi city, pero naging mabilis ang pagsakop ng ma terorista. Sinunog ang simbahan, eskwelahan, hinostage at dinukot ang pare at tauhan nito habang pinatay naman ang 9 sibilyang Kristyano at 8 Muslim na nilagyan ng placard na “munafik” (traydor) sa mga checkpoint. Patuloy ang labanan ngayon doon, kung saan 44 Maute group ang napatay, 13 sundalo, 2 pulis at 45 iba pa ang sugatan. 

Nabigla ako na mayroon na dito sa atin ng katulad na ‘ISIS stronghold’ sa Mosul sa Iraq at Al Raqqa sa Syria. Mga lugar na hanggang ngayon ay dinudurog ng mga coalition ng ibat ibang bansa. Pero bago sila malusob, pinasok muna nila ang mga karatig lugar at nagpalaki ng teritoryo. Ganito ba ang mangyayari sa atin? 

Ang nakakatakot ay itong bagong order ng Daesh (ISIS) sa Rumiyah , ISIS journal ngayong buwan lang sa kanilang mga terorista. Nakawan ang mga hindi Muslim at pwede silang patayin at kunin ang kanilang ari-arian! Gumamit ng anumang aksyon, krimen, giyera o terorismo para masaktan ang ekonomya ng mga hindi Muslim at kanilang mga gobyerno. 

Kung ito ngang Marawi city (Islamic city of the south) ang siya nang “caliphate” ng ISIS/Maute group , talagang kailangan at napapanahon ang martial law ni Duterte bilang “extraordinary means” para supilin ito. Anim na lugar sa Mindanao ang kilalang kuta ng 10 grupo ng mga terorista ngayon. Ang Australia na malayo sa atin, pati Singapore, Indonesia at Malaysia ay nababahala rito . Tayo pa kayang taga-Luzon at Visayas ang uupo at manonood lang sa Mindanao? Sa totoo lang , darating at darating sa Metro Manila at Luzon ang karahasan kapag hindi naagapan ngayon. 

Source: Winona Writer