Ang kalunus-lunos na sagupaan sa Mamasapano ay nagsimula sa pagsalakay ng puwersa ng Special Action Force ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP–SAF) sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao, Pilipinas upang dakpin ang mga terorista, na nauwi sa pinakamalaking pagkalagas sa puwersa PNP–SAF nang makainkwentro sila ng mga puwersa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Moro Islamic Liberation Front. Nangyari ang insidente noong madaling-araw ng Enero 25, 2015.